Kabanata 1

2.6K 91 7
                                    

"Papa san po tayo punta?" masigla kong tanong sa aking ama.

"Basta gumayak kana. At kunin mo ang bag mo. Kumuha ka ng damit sa tukador bilis" naiinis na saad nito habang naninigarilyo sa tapat ng pintuan.

Napapadalas ang paninigarilyo ni papa mula ng namatay si mama sa sakit na cancer. Nagtitinda lamang ng gulay ang mama habang tricycle driver naman ang papa. Solong anak lang ako ngunit kailanman ay hindi ko naramdaman na mag-isa ako at kailangan ng kapatid na kasama.

Madalas kong tinutulungan si mama pagkagaling sa eskwela sa pagtitinda ng gulay sa labasan. Magiliw akong nagtitinda na sya ding tingin ni mama ay nakakahikayat ng bibili.

"Hayaan mo anak.... sa susunod ibibili kita ng headband na may mas malaking ribbon" ngiting sabi ni mama habang inuubo.

"Yehey. Thank you mama. Pangakong pagbubutihan ko sa iskul, para sa birthday ko bilhan mo ako ng manikang kagaya ng kay Elena, ha?" natawa si mama habang pinagmamasdan ako. Nakasuot ako ng sandong puti na may hello kitty na disensyo, shorts at tsinelas na parehas pink ang kulay.

"Lintek kasi yang pangungunsinti mo kaya lumalaking bakla yang anak mo!!" bulyaw ni papa isang gabi. Umuwi nang lasing galing sa inuman sa kanilang toda.

"Anak mo si Rein, Rene! Dapat mong tanggapin kun-" umiiyak na sabe ni mama habang winawalis ang binasag na plato ni papa.

"SINONG PUTANGINANG TATANGGAP DIYAN?! Alam mo ba kung pano ako alaskahin sa pila kapag nakikita ng mg
a drayber yang putanginang si Rein?! HA?!" asik ni papa na aambahan suntukin si mama.

"Papa tama na po" hagulgul kong sabi habang niyayakap sa hita si papa. Tinulak ako nito at tumama sa kahoy sa upuan.

"Rain! Diyos ko!" hangos ni mama habang inaalo ako. anim na taong gulang ako noon at tila hindi pa naiintindihan ang mga salitang sinasambit ng Papa. Pero ramdam kong unti-unting lumalayo ang loob nya sakin.

Pitong taon ako nang nadiskubre namin na may leukemia si mama, dahil sa kakapusan ng pera, hindi na inabot ng taon ay namatay din sya. Huli na ng nalaman namin na ang minsang pagkahilo at pagkakapasa ng mama ay sintomas na pala ng sakit. Sinubukan namin humingi ng tulong sa center ngunit sumuko na din si mama isang buwan matapos nyang maconfine sa ospital.

"Rein... tandaan mong mahal na mahal ka ng mama. Palagi mong tatandaan... na walang masama sa kung ano ikaw. Palagi kang magiging mabait... at wag magtatanim ng sama ng loob sa kapwa. Isipin mo nalang na hindi pa nila lubusang naiintindihan na may tulad mo... na espesyal" umiiyak at nahihirapang sabi ni mama bago sya bawian ng buhay.

"PUTANGINA ANO DI KAPA DIN BA TAPOS DIYAN?" bulyaw ni papa ng pumasok sa kwarto. Napatalon ako at sinara ang cabinet matapos kong kunin ang ilang pirasong damit, at tigbebenteng naipon ko sa pagtulong pagtinda sa palengke kayna aling Pasing.

"E-eto na po papa-" hinaklit nya ako at biglang isinakay sa tricycle. Nangingilid ang luha habang minamasahe ang brasong namula sa kanyang hawak. Maputi ang mama, kaya kahit na mahirap lang kami, ay masasabi ko naman na maganda ang aking kutis. Mahaba ang aking pilikmata at itim na itim ang aking buhok. Bilugang muka na may onting pekas sa bandang pisngi.

Birthday ko na bukas. Magna-nine years old na ako at nasa grade 3 na. Malungkot man ay iniisip ko na baka aayain akong lumabas ni papa para mamasyal. Lunes bukas at alam kong papasada sya kaya baka ngayon nya naisip na icelebrate ang birthday ko.

Nagiipon ako sa pagtulong sa palengke, nais kong bilhan si papa ng magandang sapatos dahil napupudpod na ang gamit nya kakapasada. Siguro ay magiipon nalang ako ulit. Gusto ko na gamitin ang pera ko ngayon para pambili ng Jollibee. Tanghalian namin.

Malayo ang binyahe ni papa at hindi ako pamilyar ng hininto nya sa isang bayan.

"P-papa, saan na po tayo?"

"Basta. May bibilin lang ako dito. Bumaba ka muna diyan." asik nya at nagsindi ng sigarilyo. Bumaba ako ng tricycle at agad na nakita ang mamang nagtitinda ng kwek-kwek. Walang ano ano ay lumapit ako at bumili.

"Tignan mo at- ah bahala ka" narinig kong sabi ni papa.

"Pa! Gusto mo ng kwek-kwek? Mayroon akong bente" ngiting sabi ko habang nilalagay sa bago ng mama ang biniling pagkain.

"Hindi na. Kumain kana riyan. May pupuntahan pa ako at babalikan kita"

Mainit at maingay ang mga sasakyan. Walang kamuang muang na ngumunguya ng itlog habang nakatingin sa paligid.

"Papa aalis na po-" hindi ko natapos ang sasabihin ng mapansing wala na ang tricycle namin. Wala na si papa.

"Papa? Papa!"

"Papa! Asan po kayo?" nagsimula akong maiyak at tumakbo sa mga nakapilang tricycle, baka sakaling andun ang papa ngunit wala.

"Papa.... san po kayo nagpunta" iniwan ako ni papa sa palengke ng bayang hindi ko nakikilala.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now