Kabanata 13

1.6K 82 9
                                    

Tila umurong ang dila ko at hindi ako makasagot sa tanong nyang humalo sa sariling tanong sa isipan.

Paano nya nakuha ang numero ko?

Bakit sya tatawag alas nwebe pasado ng gabi?

Ano naman sakanya kung nakauwi na ako o hindi?

Aaminin kong sa madalas naming nagiging tinginan ay tila nagkakaroon ng kami ng maliit na ugnayan. At sa tuwing magkakaroon ng maliit na pag-uusap ay naghuhuramentado ang puso ko.

But this.. him calling to check on me was beyond my imagination.

"A-ah yes sir. Kadadating ko lang po"

He let out another sigh "Can we drop the formalities, Rein?"

Nalaglag ang panga ko. "Ahm..." hindi makaisip ng isasagot "bakit nga pala.. bakit po kayo tumawag?"

"Can I come up to your room?"

Ano daw?! Ramdam na ramdam ko ang pagpula ng mukha ko dahil na rin sa mainit na nararamdaman. Para akong tinatakasan ng ulirat sa huli nyang sinabi. What are you doing, Mr. Montercarlo?

"Huh? Bakit po sir?!" gulat at natatarantang sagot ko. Napaikot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at narealize na malinis naman ito at hindi makalat. Maimis ding nakapirmi ang mga gamit sa bedside table at hihiga ka nalang sa maayos na kama

Then it hit me. Why am I this conscious? He just asked and I can always turn it down. Am I even thinking of letting him into my room? Why?

"I brought you dinner from a restaurant downtown. Naisip kong baka hindi kapa kumakain. So.. Can I?"

Saka ko lang narealize na nakalimutan ko ngang kumain ng hapunan. Napahawak ako siya tiyan ng maramdaman ang gutom.

"Ah uhh-"

"I'm sorry for meddling with your plans tonight. I just thought that you might-" sya naman ang naputol ko

"Okay... lang. Okay lang sir" pilit na kinakalma ang sarili

"Alright. Please wait for me." and he dropped the call.

Ilang sandali pa nga ay narinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Agad akong lumabas ng banyo matapos magmadaling maghilamos at pilit gawing presentable ang sarili. Wala na akong panahong magpalit kaya ang suot ko kanina sa shop ang suot ko padin ngayon. Di naman ako nanlimahid sa pawis at hindi naman ako mabaho kaya siguro ay okay na ito

I opened the door and immediately met his intense gaze. He licked his lips when his eyes then went down to stare at mine, down to my clothes.

"I just thought about you might not be having dinner yet. But if you already did-"

"H-hindi pa. Pasok ka. Sir." pinipirming sabi ko at niluwagan ang bukas ng pinto para magbigay daan

What surprised me is he tried to removed his shoes. Something that shows the heirs of Montecarlo family are just like normal people, and were taught with good manners.

"O-okay na po yan sir. H-hindi rin naman ako nakapaglinis. Pasensya na po sa kwarto ko" pagsisinungaling at pilit na pinapapasok sya nang hindi inaabala ang sariling maghubad pa ng sapatos

He came in and scanned the bits of my room. He placed the paper bag on top of my two-seater dining table, and turned back to face me.

Maliit lang at isang square na kwarto ang inuupahan ko. Pagpasok mo ay nasa kaliwang bahagi ang study table ko malapit sa bintana. Sa dulo naman noon ay ang cabinet para sa damit. Sa gitnang bahagi ay ang aking single bed. Sa tapat naman ng single bed kahanay ng pinto ay ang pangdalawang tao na lamesa. Sa dulong bahagi ng kwarto ay ang mini ref, at lababo. Sa kanan naman ay ang pinto para sa banyo.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now