Kabanata 8

1.4K 68 0
                                    

Sunday came. I had a good amount of sleep yesterday as I chose not to come to work to have a rest from a stressful hellweek. Tapos na kami sa midterm exams and pakiramdam ko ay deserve ko naman ng isang araw na pahinga sa trabaho at pagpupuyat sa pag-aaral.

Alas syete ang out ko palagi sa linggong ito sa trabaho ngunit natutulog ako ng alauna ng madaling araw dahil sinisikap kong mag review ng husto. I am aiming to get perfect scores in my exams. I don't have a talent so I dont really progress in extra curricular activities. Mahina din ako sa physical education dahilan kung bakit madalas akong tinutuksong malamya noong bata na inuugnay rin sa aking kasarian.

I can only read books and study hard for me to ace all the tests and get high grades. I am a consistent dean's lister and possibly running for a latin honor. Isang bagay na maipagmamalaki ko kaya hindi ako maaaring pumetiks at magpabaya.

Wala man akong pamilya, wala man masyadong kaibigan at hindi ganung nakakasabay sa usong gamit ng iba, ay biniyayaan naman ako ng sapat na talino at tyaga sa pag-aaral. Ang tanging kayamanang maipagmamalaki ko sa aking sarili.

Nagising ako ng alas otso ng umaga. Tama lang para mag-ayos at magalmusal. Pupunta ako sa Angel Haven ng alas diyes para sa munting salo salo sa pangunguna ng mag-asawang Montecarlo.

Hindi ako umiinom ng kape kaya bumili lang ako ng pandesal at maliit na box ng keso bilang palaman sa bakery sa baba ng tinutuluyan kong apartment. Maimis akong kumain at nagsimula ng magligpit at naghanda sa pagligo. 30 minutes have passed and I am now drying my hair. I applied lotion to my body and did my skincare routine before applying light make up. Hindi ako sanay gumamit ng foundation kaya BB cream na may SPF 50 ang ginagamit ko. Kuntento naman na ako sa tamang kapal ng kilay ko kaya hindi ko na ito inaayos. Naglagay lang ako ng mascara, pressed powder at blush on sa mukha. Liptint naman para tumingkad ang kulay ng aking labi. Araw-araw ay ganito ang ayos ko.

I am wearing an off shoulder knitted top and a light blue denim skirt. I paired it with my watch and gold-plated cross pendant necklace. Hindi naman ako mayaman kaya I either purchase my clothing and accessories online o di kaya sa palengke. I am wearing a classic white shoes from Vans na pinagipunan kong bilhin sa mall. I scanned myself in the mirror, sprayed some perfume and decided to leave for the anniversary of the orphanage.

I arrived at 9:54 AM at nakita kong abala ang ampunan. Maging ang mga batang naglalaro ay may hawak na banderitas na pinapasabit sa mga tagalinis. I smiled as how I missed staying in this place. It became my home when I felt like the sky fell down upon me. The kindness of the sisters who took me to be sheltered, clothed and fed always warm my heart. Naglakad ako sa pasilyo at natanaw ko na si lola Flora na abala at naguutos sa mga tagaluto ng mga kailangan pang bilhin panghanda.

"Magandang umaga po, lola Flora" masayang bati ko sa matanda.

"Ate Rein!"

"Ate Rein andito ka!"

"Namiss po kita ate Rein"

Natawa si lola Flora sa sunod sunod na batang lumapit sa akin. Malapit ang puso ko sakanila at nais kong maramdaman nila na walang kakulangan sa kahit sino sakanila, kahit pa nandito sila sa ampunan.

Hinimas ko sa ulo si Angelo, walong taong gulang na nakayakap sa aking baywang. "Namiss ka din ni ate, naging mabait kaba at hindi pasaway kayna lola?"

"Ate ate tulungan mo po ako sa assignment ko" hila naman sa damit ko ni Kristal, pitong taong gulang naman.

Natawa ako. "Hmmm oo ba, mamaya ay mag-aaral tayo pagkatapos ng paghahanda"

"Oh siya hayaan nyo muna ang ate Rein ninyo mga bata, at kami ay may aasikasuhin pa" si lola Flora.

Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata at bumalik sa kanya kanyang ginagawa. Hinarap ako ni lola Flora at niyakap ng mahigpit. "Miss na miss kita anak. Alam mo bang proud na proud kami sayo, sainyo nina Ivan at iba pa. Pagbutihin ninyo ang pag-aaral ha? Kamusta kaba sa eskwela?"

"Kakatapos lang ng midterm exam namin lola, kaya may libreng oras ako para po sainyo. Namiss ko din po kayo. Pasensya na at bibihira na akong makadaan" yakap ko pabalik sa matandang kumupkop sakin ng ilang taon

"Mabuti naman. Halika hija at tulungan mo ako sa lulutuin, namiss ng mga bata ang spaghetti mo kaya imbes na umorder pa ay ikaw nalang ang aasahan kong magtimpla ng sauce" hagikgik ni lola Flora at akay sakin papasok sa kusina

Lunch time dadating ang pamilya Montecarlo para inanunsyo ang ekpansyon ng nagiisang ampunan sa bayan. Angel Haven was established 60 years ago, during the time of Don Ramon's late mother, Senyora Beatrice Carranza. It has been supported by the family until now and they never missed to extend help to all the kids staying in the orpahanage. Kaya din lahat ng bata dito ay lumaking may maayos na kinabukasan dahil narin sa kagustuhan ng pamilya na mabigyan kami ng maayos na edukasyon at scholarship sa mataas na paaralan ng bayang ito.

Isa isa naming inihain sa mahabang mesa ang spaghetti, fried chicken, puto, mangkok ng kanin at mga lutong ulam gaya ng menudo, caldereta and sinigang para sa sabaw.

Dumating din ang dalawang lechong baboy na pinabili ng pamilya ni Don Ramon. Umarkila din sila ng dirty ice cream vendor para naman sa mga bata. Mamayang hapon daw ay may dadating na clown para libangin sila.

Hindi na masaway ng mga madre ang mga batang kumukurot sa lechon at pumapapak ng fried chicken. They wanted to wait for the admirable family who made this celebration possible ngunit dahil sa gutom, ay hinayaan na nilang mauna ang mga bata.

Isa isa nang pumasok ang itim na sasakyan sa bukana ng ampunan. Tanda na dumating na ang pamilyang aming hinihintay. Biglang may kung ano sa aking tiyan na nagpakaba sa paglabas ng mga bodyguards na naka corporate attire at pinagbuksan ang SUV lulan sina Don Ramon at ang kanyang asawa. I stared at Mrs. Montecarlo who is all smiles as she is nearing the table placed at the main hall. Felicia is wearing a yellow  sleeveless fitted waist mini dress from Dolce and Gabbana, paired with white stilettos, pearl necklace and bracelets as her accessories while she carry her black brikin bag on her left arm. On her right is her husband who wears a 2-color suit with white dress shirt, black tie and glossy black shoes.

"Magandang hapon Fely, Ramon. Maraming salamat sa pagpunta. Pagpasensyahan nyo na at kumakain na ang mga bata, hindi na kayo nahintay" nahihiyang salubong ni lola Flora sa mag asawa.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now