Kabanata 47

1.4K 74 19
                                    

Naalimpungatan ako ng marinig ang malakas na pagkidlat sa labas. Umuulan pa yata. Masakit ang buong katawan ko at muling pumikit para matulog. Yumakap ako kay Rico ngunit muli akong nagmulat ng maramdamang wala siya sa tabi ko.

Ginala ko ang tingin sa buong kwarto at nakita ko siya.. nakaboxer at nakatayo sa harap ng bintana, habang may hawak na baso ng alak.

"R-Rico.." mahinang tawag ko.

Agad niyang kinusot ang mga mata bago bumaling sakin. Sinundan niya ng tingin ang mata kong nakatuon sa baso niya at napabuntong hininga. Tinungga niya ang natitirang laman noon bago ito binaba sa mesa at lumapit sakin.

Muling kumidlat sabay ng pagupo niya sa kama. Agad niyang hinimas ang pisngi ko.

"You're still sore. Please go back to sleep." Malamlam niyang sabi.

Bakit gising pa siya. Has he been drinking?

"Umiinom k-ka?" Kunot noo at namamaos kong tanong. Namimikit ang mata sa antok at pagod.

"I'm sorry. It's... nothing. Baby, please go back to sleep-"

"H-Humiga ka... halika Rico.." walang lakas kong hila sa braso niya. Matigas ang katawan niya at kita ko ang pag igting ng kanyang panga. Bumuntong hininga siya bago sumunod sa sinabi ko.

Humiga siya sa tabi ko at tumitig ng mariin sa mukha ko. Anong problema?

"B-bakit gising kapa? Bakit k-ka nainom?" Takang tanong ko. Pilit nilalabanan ang antok para makausap siya.

Umiling lang ito at pumikit. Hinalikan niya ang noo ko bago muling hinimas ang pisngi ko.

"Rico..."

"I can't... sleep." Why? He is breathing heavily and clenching his jaw so hard.

"B-Bakit?"

He shook his head again. He then pursed his lips and his eyes are even more bloodshot. I can smell his minty breath mixed with hard liquor. I stared at the big wall clock in his room and it's two twenty five in the morning. Mag aalas dose na kami natapos kanina. Hindi ba siya natulog?

"I... need to stay awake. I need to.. watch you sleep. Please, go back to sleep and rest-"

"Bakit... bakit kailangan mo uminom? Bakit.. ayaw mo matulog?"

He groaned in pain before gently pulling me to his chest and enveloped me with a tight hug. He sighed in defeat. He planted a long soft kiss on my forehead before he covered himself with the comforter I am using.

"I love you, Rein. I love you so much." His breathing is still unsteady that's why he is massaging my arm, as if it will stop him from
trembling. Naririnig ko ang mahina niyang singhot pero ayaw niya akong pakawalan kaya hindi ko makita ang mukha niya. Kinulong niya lang ako sa mainit niyang dibdib.

Gusto ko sanang pag usapan namin iyon ngunit dahil sa matinding sakit ng katawan at pagod, unti unti ako muling hinihila ng antok.

"I'm scared.. I'm so scared, baby..." narinig kong huling sinabi niya. Hinagod ko ang dibdib niya para mawala ang takot sakanya. Simple akong gumuhit ng mga bilog sa dibdib niya at iniikot ikot ang tubo ng buhok doon.

He struggled to speak "I'm scared that if I sleep... I'll wake up in an empty bed again.... I'm scared that you'll leave me... again... after making love to me... that I'll wake up without you... in my arms..." he's huskily whispering words but I can only hum to acknowledge, too tired and sleepy to actually understand what he said.

Hindi ko alam kung bakit siya natatakot at hindi ko narin maproseso ang huling sinabi niya. Huling tanda ko ay pinatakan ko ng halik ang dibdib niya... bago ako muling hilahin ng antok.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now