Kabanata 4

1.5K 84 0
                                    

Natulala ako sa nakita. Years may have passed pero walang nagbago. Gwapo padin ang first crush ko. Raymond stood 5'11 when he was a teenager, at nasisiguro kong lampas 6-footer na sya ngayon. Come to think of it, I'm nineteen and he is now twenty six. A man with that caliber, is impossible to be single.

May girlfriend na kaya siya? Maganda siguro ito ang galing din sa mayamang pamilya. Madalas kong naiisip noon na para siyang prince charming at maswerte ang magiging prinsesa nya.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang malalim na boses.

"Hey. What's wrong with you?" suway sakin ng lalaking nasa unahan. Naaalala ko na, ang matang nakakaintimidate titigan, at supladong tingin ay galing sa panganay na anak ng mga Montecarlo.

Bigla akong dinapuan ng hiya ng maaring napagtanto nya kung paanong titigan ko ang kapatid nya. Nakakahiya

"Y-yes. I'm sorry sir. What's your order?" napatulala ako sa counter at tila pilit kinakalma ang sarili. Aaminin kong kinikilig ako kay Raymond. Ngunit iba ang kaba ng puso ko sa panganay nitong kapatid.

Maraming nagsasabe na parehas mabait at mapagpakumbaba ang mga anak ng mag-asawang Montercarlo. Kung paanong magiliw ito kausapin at tila hindi kailanman nangmata ng kapwa. Ngunit base sa naging karanasan, ni minsan sa ampunan ay hindi kami nagkausap o nagkatinginan manlang.

Madalas ko siyang nakikita na kinakausap ang mga bata. Ang iba ay binibigyan nya pa ng laruan. Ngunit hindi ko makuhang gumaan ang loob sakanya. Nakakatakot siyang titigan. Kung di ako nagkakamali ay may taas na 6'1 ito nung huling nakita ko sa ampunan. Halos sing taas nang Don Ramon. Siguro ay kaya ako natatakot sakanya dahil gaya ng ama, na gano man kabait makitungo ay maiintimidate ka sa likas na supladong itsura.

"Are you listening?!" mahina ngunit may diing salita nito. Napaangat ako ng tingin ng mapagtantong lumipad muli ang aking isip.

Raymond chuckled. Somehow I felt my cheeks reddened due to embarrassment.

"Chill kuya. You are scaring her" maamong sita nito at saka tumabi sa kapatid. Nagtama ang aming tingin at matamis itong ngumiti.

"Hi! We'd like to have 2 americano please"

"Good eevening. Y-yes sir, right away. Would like to have our chocolate cake sir to go with y-your coffee?" naiilang na sabi pagkat nakikita ko kung pano ako suriin ng panganay na kapatid ni Raymond. Ano nga bang pangalan nito?

"I'll only have a slice. My brother doesn't like sweets eh" sabay hagikgik nito. Nagtama ang aming tingin at panong simple akong napangiti. Hindi padin ito nagbabago at napakamasiyahin parin.

Lumipat ang tingin ko sa kuya nya na ngayon ay madilim ang tingin sa akin. Agad akong napatungo at nagsimula nang magpunch ng order.

"T-that would be f-four ahm four hundred ten pesos s-sir" nakita kong huhugot ng pitaka si Raymond ngunit tumapat na sa muka ko ang itim na card na hawak ng panganay nyang kapatid.

"Tss" rinig kong reaksyon nito. Bakit ba ako kinakabahan?

"T-thank you, sir. It will be served on your table in 20. Y-you may take your seat" sabay turo ko sa bakante pa naming table sa gilid.

Naupo ang magkapatid na Montercarlo at nagsimula lalo ang bulungan ng ibang customers. Ang iba ay hindi nahihiyang marinig sa pinag-uusapan. Na tila ba hindi sila naririnig ng mga ito.

"They are so hot. God I would love to be close to them" komento ng isang mukang sosyal na babae

"Right. I know he can be intimidating but look at him. I wonder if the rumors are true" hagikgik ng isa pa

"I heard he already cut ties with her last girl. Pity. She only lasted for a week. Baka hindi nasatisfy si Rico?" bulong ng isa na dinig na dinig ko. Nagbungisngisan pa ang mga babaeng malapit sa counter ko katapat ng table nina Raymond.

Rico. Rico ang pangalan nya. Napasulyap ako gawi ng makapatid at nasamid ng makitang nakatingin din ang si Rico. Bigla akong napatalikod ng madinig ang call bell tanda na ready na ang orders.

Bea smiled at me. "Rein pasuyo nagcr lang saglit si Alex" sabi nito sabay lahat sakin ng tray ng kape at slice ng cake

Fuck

Napapikit ako at kinuha ang tray. Wala pang bagong dating na customers kaya wala akong order na kukunin. Dahilan kung bakit libre ako at hindi ko naman pwedeng intayin si Alex gayung napatingin na sa gawi ko ang magkapatid na iniintay ang orders.

I sighed. I started walking towards their table and slowly put the tray down. Scared of committing mistakes or worse, spilling the coffee!!

"Uhh... h-here's your coffee s-sir and 1 slice of chocolate cake"

Ngumiti si Raymond at nagtama ang aming kamay ng kunin nya ang cutlery habang sumimsim naman sa kanyang kape ang si Rico.

"Thank you.. uh Rein" pasasalamat nito habang binabasa ang nameplate ko.

"Y-your welcome sir. Enjoy t-the coffee" at mabilis na tumalikod sa takot na mahuling namumula ang aking pisngi. Dagdag pa ang mala-lawin na tingin ng kanyang kapatid.

Ano for the judger ang person? Bakit naman ang ibang nga customers halos pagusapan na nga sila nang hindi maganda ay hindi manlang pinapansin tapos ako ay kung tignan nya parang may halong pandidiri

Then it struck me. He might have noticed. I-is he homophobic? Kaya ba ganun na lang sya makatingin sa akin?

"Rein. That's a nice name and sounds familiar. Like I heard it from somewhere" narinig kong komento ni Raymond. Naalala nya!

Naalala nya ako. Maalala nya kaya na galing akong Angel Haven? Ibang iba na ang itsura ko noon, though wala namang nagbago sa aking kutis, ngunit noon ay totoy na totoy pa ako kaibahan ngayon na ganap na na pre-op trans.

"You don't remember... her?" Tila gulat at hirap bigkasin ni Rico. Something in his voice

Wait. Does he know? Raymond is confused, but him, does he remember?

"Hmmm I don't know. Why you ask? You know her?" Titig ni Raymond sa kapatid na muling napasulyap sakin pagbalik ko ng counter

Nagtagal ang tingin nya kaya napanganga ako. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa loob ko na di mapakali

"Tss" umiling ito at muling uminom sa kape.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now