Kabanata 3

1.7K 94 4
                                    

"Alam mo te excited nako sa fiesta. You will join me sa bayan ha we will watch the pageant at kakain tayo ng tusok tusok foods." Maarteng sabe ni Elisse habang naglalakad kami palabas ng San Vicente University. Isang buwan ang nakalipas at hindi nawawala ang sigla sa mamamayan ng San Vicente. Isang buwang paghahanda para sa taunang pista. Lalo na at umiingay ang balitang uuwi ang mga tagapagmana ng pinakakilalang pamilya sa bayan. Na siyang nagpasabik sa mga kababaihan at kabaklaang naririrahan dito.

"May duty ako sa araw na yan Elisse. Alam mong ayaw na ayaw kong lumiliban sa trabaho"

"Che! I can pay for your wage that day. Payag kana ako ang magbabayad ng sweldo mo sa araw na yon! At wag ka ngang chosera akla. You know that Raymond will be there. Sila ni Enrico. Eh parang nung nakaraan tulaley ang peg mo sa pagiimagine dun kay Raymond ano!" maingay na sabi nito.

"Bakla pwede ba! Mahiya ka. Hindi totoo yan. At please lang pwede bang hinaan mo ang boses mo sa tuwing binabanggit mo ang pangalan nila? Hindi kaba kinikilabutan sa maaring isipin ng estudyanteng makakarinig? Ang iba dito ay kaibigan ng pamilya-" angil ko sakanya na agad nya ring pinutol

"Ay basta! Mag early out ka next week at samahan moko! Manonood tayo ng pageant at kakain tayo. Ililibre kana ayaw mo pa. Choosy tong dukhang to!" Napailing nalang ako sa tinuran ng matalik na kaibigan. Likas ang pagkamaldita ni Elisse ngunit hindi sya matapobre. Sadyang bastos lang ang bibig na hindi ko malaman san natututunan.

"Bahala ka. At pwede ba Elisse, kababae mong tao. Your words, please."

"Ye werd ple ah basta! Mauna nako. Kuya Andoy is here. Please naman Rein aasahan kita sa fiesta. Alam mong hindi ako papayagan ni mommy kung di kita kasama!" sabay beso sakin at sakay sa kanilang SUV. Ngumiti at ako at tumango sa kaibigan. Siguro nga ay wala namang masama kung maaga akong matapos sa trabaho. At isa pa ay dahil sa okasyon baka maaga din magsara ang coffee shop.

"Good afternoon po Ms. Grace" bati ko sa aming manager pagkapasok ko ng Sweet Bean. Alas singko na ng hapon at may duty ako hanggang alas nwebe.

"Good aftie, Rein. Mag miryenda ka muna wala pang customers. Andun na sina Alex sa likod" nakangiting sabi nito habang may binibilang sa counter.

Tumungo ako sa staff room at nagpalit ng uniform. Buti at washday ng University kaya nakacasual attire kami. Nagpalit lang ako ng polo shirt ng coffee shop at sinuot ang apron.

"Hi Rein! Ganda natin ah. Kain ka may empanada na bigay si Ms. Grace" bati ni Alex sakin. 21 na sya at graduating student. Scholar din sa SVU.

"Hi! Kanina pa kayo?" bati ko dito sabay kuha sa empanada at kumagat dito.

"Kanina pakong four o'clock dito pero yang si Alex kanina pa. Inaantay ka miss na miss ka ata" kantyaw sa amin ni Bea.

"Tumigil ka nga Beatot! Nakakahiya dito kay Rein" namumulang sabe ni Alex. May taas na 5'9 ito at kayumanggi. Kilala ko ang nanay nya dahil suki ako nito ng gulay sa palengke. Gwapo rin si Alex at mabait. Masipag ito at responsable. Batid ko ang panakanakang pagsulyap nya sa akin madalas at pagalok na sumabay sa pag-uwi. Ngunit ayaw kong bigyan ng malisya.

Natawa ako upang maalis ang awkwardness sa kwarto. "Tara na nga baka may customer na. Magwawalis pa ako" aya ko sakanila pagkatapos pagpagin ang kamay at uminom ng tubig

Ilang saglit pa ay isa isa nang nagsisipasukan ang mga customers ng coffee shop. Bukas ito ng 9AM-9PM ngunit may oras lamang ang pagpasok ng mga bumibili. Sa umaga, sa tanghali at sa hapon kapag uwian na ng mva estudyante.

Nasa cashier ako ngayon at kausap ang isang customer ng tumunog ang wind chime. Lulan ng pinto ang malaking bulto ng lalaki. Naka itim na amerikana at white dress shirt. Halos lumampas ang ulo nya sa hamba ng pintuan at tila isang panginoon na tinawid ang tungo sa counter. Moreno ito at may makapal na kilay, matangos na ilong at itim na itim na mga mata. May pagkachinito at hindi ngumingiti. Pamilyar saakin ang mama at napalunok ako ng magtama ang aming tingin ng siya na ang sumunod sa pila.

Mariin siyang nakatingin sa menu sa taas at tila sinusuri ang kapeng iinumin. Bumaba ang tingin nya sakin at bahagyang kumunot ang noo nito. Fuck was I starting too much?

"A-ah g-good evening sir. May I-I take your o-order?" pamilyar ang suplado nitong tingin. Hindi ko alam kung paanong nauutal ako na lalong nagpasalubong ng kanyang kilay.

Bago pa man magsalita ang lalaki ay bumukas ulit ang pintuan at tila tumigil ang oras ng mapagtanto ko kung sino iyon.

"You didn't wait for me brother. Nakaorder kana ba?" maamong sabe nito. Katulad ng sa nauna ay nakasuit and tie ang kasunod na kulay navy blue ang kulay. Chinito ito at maputi, hindi nalalayo ang tangkad sakanya. Makikita lang ang kaibahan pagkat bukod sa kutis ay palangiti ang lalaking sunod na pumasok.

Halos mabali ang leeg ng mga babaeng umiinom ng frappe at kumakain sa loob. Hindi rin magkamayaw ang tibok ng puso ko. Limang taon man nung huling ko syang nakita ay hindi ako maaaring magkamali pagkat saulo ko bawat sulok ng kanyang muka.

Si Raymond. Si Raymond ang huling pumasok. Ang magkapatid na Montercarlo ang pumasok ng coffee shop.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now