Kabanata 21

1.4K 80 8
                                    

Hindi na umayos ang timpla ko buong araw. Hindi ko ata magawang magenjoy sa mga activities dahil sa lalim ng iniisip.

Tahimik lang ako at nakapwesto sa forecastle buong byahe. Mabilis na umahon si Rico ng makitang hindi ako lumangoy. Tumigil siya sa bar at kumuha ng alak katabi ng may ari ng resort. Pasimple niya akong pinadalhan ng maiinom ngunit hindi ko naman ito magalaw.

"Is something wrong?" I read his text.

Madilim na ang awra niya at ramdam ang pagiwas ko kaya nahahalata kong pasimple din siyang lumalapit sa direksyon ko. Kung may pagkakaton sa kayak at nung nag island hopping ay pinapatos niya ang maliit na usapan ng mga kaklase kong malapit sa pwesto ko para lang makalapit siya. Na ako rin naman ang umiiwas ng umiiwas. Bahala ka diyan.

May girlfriend kana pala.. so ano ako? Kung mayroon kang mahal na iba, ano pa ang ginagawa mo sakin? Panay pa ang regalo mo!

Nagpuyos ako sa galit at lungkot. Sinungaling! Gagawin mo pa akong kabit. Pilit kong hinuhubad ang bigay niyang rose gold bangle ngunit narealize kong may susi nga pala ito. Ang gold necklace nalang niya ang hinubad ko.

Sinuri ko ang cross pendant nito sa aking palad. Ang mga dyamante nito. Hilaw ang ngisi ko at pinalis ang luha. Manloloko

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang para sa nakalipas na buwan. Ang sana ay palalim na naging ugnayan naming dalawa. Tama lang na hindi na ito palalimin pa ang kung anong mayroon sa amin kung ganyan din lang pala.

Kakabalik lang namin at dumiretso kaming lahat sa the Reef dahil ililibre kami ni Rico ng magiging lunch namin. Natawa pa si Sir Manny sa pagiging galante ng mokong. Inusisa pa agad kung sino ba ang pinopormahan sa mga kasama namin. Simple lang itong ngumisi at hindi nagbigay ng komento. Napairap ako sa nadinig.

Hindi ko na din nagawa pang lumangoy at sumama sa mga activities kanina kaya saming lahat na bumalik ay ako lang ang hindi nabasa ng tubig dagat. Nagpaalam ako kay Elisse na magpapalit ng damit sa kwarto namin at babalik nalang agad para makahabol sa pagkain. Paliko palang ako makalabas sa public bathroom ng may mabigat na pwersang humila sa pulso ko.

Naligo na siya sa dagat ngunit amoy na amoy padin ang bango niya. Hindi siya nagsasalita at hinila lang ako sa diko alam kung pasaan. Napairap ako sa tagpo. Inis kong binawi ang braso ko

"Ano ba! Magpapalit ako ng damit!" nakita kong kunot ang noo niya at madilim ang titig

"Then you will be changing in my suite." pinal na sabi at muling hinila ang braso ko.

Nagmatigas ako. "Hindi ako sasama sayo! Pwede ba? Doon kana! Huwag mo akong pakealaman! Bakit hindi si Jocelyn ang isama mo sa kwarto mo at tiyak na hindi iyon magdadalawang isip!" Sabi ko at nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon.

Galit siya ng bumuntong hininga pero agad kong naramdaman ang pagsunod niya

"Rein. What's wrong?" I swallowed hard holding my tears from falling because of anger and pain. I felt like I was being used and betrayed with what I just found out.

"Baby why are you mad?" Nagusot ang mukha ko at pilit na binilisan ang lakad. Totoo ngang may mga lalaking mabulaklak ang dila at paiikutin ka, pagkatapos ay lolokohin ka.

"Fuck." I heard him curse before I felt myself rise from the ground. He carried me like a bride and started walking back to the direction of his room.

Mabilis na pinulahan ang mukha ko at nagpumiglas. "Ibaba mo ako! Hindi ako sasama sayo!"

"Isa! Don't test my patience, Rein. Kanina pa ako nagpipigil" patuloy ang pagpiglas ko ngunit tila wala ding nangyayari. Mahigpit ang yakap nya sakin at sa bilis ng hakbang niya, ay mabilis kaming nakaikot sa main pool patungo sa suite niya.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now