Kabanata 41

1.1K 63 11
                                    

Magkahalong gulat, pagkasabik at lungkot ang naramdaman ko. Mabuti nalang at mukhang maganda nga magbenta sa platform na iyon at may potential buyer agad ako na nagview ng post. Sana nga ay maibenta ko ito agad para magamit ang pera sa treatment ko. Malungkot man na kailangan kong pakawalan ang mga bagay na to, ay pinangako ko na sa aking sarili na kailangan kong gawin ang lahat para masustentuhan ang chemotherapy ko. Kung gagaling ako, ay magtatrabaho ako at kakayod ng doble para mabawi ko agad ang mga binentang alahas.

Agad akong nagtipa ng reply at nagpasalamat. Sinabi ko sa personal jeweler kung nasaan ako at binigay ko nalang ang araw ng rest day ko para makipagkita. Nagsend pa ako ng isa pang mensahe at humingi ng paumanhin dahil nasa trabaho kako ako kaya kung sakaling magreply man siya ay hindi agad ako makakasagot.

Mabilis na naseen ang mensahe ko at ilang minuto ding pasulpot sulpot ang typing bubble sa screen. Hihintayin ko pa sana ang sagot niya kaso nga lang ay tapos na ang break ko at kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo at itinago sa locker ko ang cellphone. Sana ay totoong buyer ito at makuha na ang alahas. Aaminin kong dahil sa nakita kong presyo sa website ng mga alahas na ito ay nagkaroon ako ng pag-asa na bubuti ang lagay ko sa tuloy tuloy na gamutan. Hindi ko alam kung paano ang tamang pagbenta ng ganito pero para maging patas ako ay halos kapareho lang ng nakita kong katumbas na presyo sa website ang nilagay kong price sa post ko online.

Nagpatuloy ako sa shift ko dahil medyo busy ang club. Hindi naman puno pero may mga VIPs kami ngayon at may mga pumunta para mapanood ang local band na nagpeperform. Panay ang inom ko ng tubig at kada magseserve ng orders ay nagpapahinga ako ng kahit dalawa o tatlong minuto. Hinahabol ko ang hininga sa pagod. Pero hindi naman ako pwedeng sumuko. Habang malakas pa ako.. lalaban ako. Nakaigi din siguro na nahiyang ko ang dalawang sessions ng chemotherapy, hindi lang ako nakakamintis ng vitamins para hindi ako dapuan ng iba pang sakit.

Pauwi na kami ng muli kong macheck ang phone ko. Akala ko ay hindi na magrereply ang buyer na nagmessage kanina pero mabuti nalang ay may dalawang mensahe siyang iniwan para sakin. Tinanong niya ang buong pangalan ko at vinerify kung ano ang active contact information ko para sa isischedule niyang meet up. Hindi kasi ako naglagay ng contact information ko online, mahirap na at baka makareceive lang ako ng prank calls. Hindi ko na kailangan ng dagdag sakit sa ulo ngayon.

Binigay ko ang ginagamit kong pangalan at ang numero na gamit ko bago ako nagbihis at nagayos ng bag. Lumabas din ako ng locker room pagkatapos.

My eyes widened for a fraction and sighed when I saw the man waiting for me outside. Sean, who is leaning back on his white SUV, cheeks are a bit red due to alcohol, stood straight when saw me walking towards his direction.

"R-Ria hik. U-uuwi kana ba? H-hatid na sana kita hik" pilit na tinutuwid ang dila habang sinisinok.

"Good morning po. Hindi na kailangan. Kaya ko na po umuwi mag-isa. Mabuti pa ay mauna na kayo para makapagpahinga na-"

"Please.. I just.. want to make sure.. that you'll get home safely." Sabat nito at marahang humakbang para sana abutin ang kamay ko.

Umiwas man ako ay nakaalalay parin ang tayo ko sakaling tumumba siya. I wonder how this man can work every day while getting himself drunk the night prior. Paano ka nakakapag function? Hindi kaba hinahangover?

Nilingon ko ang bodyguards niya na nakapirming nakatayo ngunit alerto sa bawat galaw namin. Nakapwesto sila sa kanang bahagi ng parking space katabi ng isang itim na van.

Napahilamos ng mukha si Sean bago mabilis na naagaw ang kamay ko dahilan para mabalik ang atensyon ko sakanya. He look so drunk and his eyes are sleepy yet bloodshot.

"Ria. Kahit.. hik.. kahit hatid lang.."

What will I do with you? I already rejected you. I can't reciprocate your feelings. It pains me to see someone looked so miserable because of me. Kahit hindi naman aminin, ako ang dahilan ng pagpunta niya lagi dito. Nagwawaldas ng pera para uminom, at kahit lasing na ay di padin umuuwi, hangga't di natatapos ang shift ko.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ