Kabanata 24

1.3K 72 3
                                    

Pasimpleng nagkatinginan ang dalawang receptionist sa harap ko. Pinamulahan ako sa hiya ng maisip na baka wala nga. Kung ganoon, nasayang lang ba ang pagod ko at ang pagalis sa dating trabaho?

"Sure ma'am. May we know where did you learn about our job posting?"

Saan nga ba? Pwede ko ba sabihin na sa anak ng may-ari? Masyadong pribado ang MECS kaya kung walang endorsement, ay walk-in ang application dahil bihira kang makakapagapply online.

"Uhh-nagbabakasakali lang po sana, if may kahit anong vacancy po." hilaw akong napatawa para itago ang hiya. Maayos naman ang tungo nila ngunit tila naiintimidate ako lalo na ng nakita kong ineestima ng kasama nya ang suot ko.

"Hmm. For job vacancies po, we can refer you to try with our hiring manager sa second floor lang po ma'am. Kindly fill out this form and if you can hand me at least 1 valid ID for your temporary pass."

Dali dali akong nagsulat ng personal information ko at naglabas ng valid ID kapalit ng pass na binigay nila. Sinuot ko ang ID lace na naglalaman ng badge na maaari kong gamitin para makapasok sa mga facilities at tumulak na sa elevator.

Maswerte ako at ako lang mag-isa ang sakay dahil hindi ata ako magiging komportable aa lagay ko ngayon. Napatitig ako sa reflection ko ng makasakay ng elevator at bago pa makadating ng second floor ay mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot ko. Inayos ko ang gusot sa palda bago ako naglakad palabas ng elevator.

Mabuti nalang at nakapagtanong ako sa security kung saan ang tamang opisina ng hiring manager. May taka pa sa mukha nito dahil ako lang ang aplikante sa palapag kaya inusisa din niya ako kung saan ko nalaman ang posible ngang bakanteng posisyon nila.

"Hmm. I can see that you have good records in school. Scholar ka din ng Montecarlo family?" Tanong ni Ms. Rebecca, ang hiring manager.

Palangiti ito at agad akong pinaupo ng makapasok ako sa opisina niya. Aminado siyang hindi nageexpect ng aplikante kaya maging siya ay kuryoso sa akin.

Namamawis ang kamay ko sa kaba. "O-opo. Sa A-Angel Haven po ako lumaki. Bumukod po ako sakanila nung legal age na ako."

"Maayos din naman ang records mo sa una mong trabaho. Pero kasi, nakakuha na ako noong isang araw ng senior high school graduate for clerical work post. May I know what position are you interested in applying, Ms. Silverio?" Umangat ang tingin nya sakin matapos basahin ang mga dokumento ko.

May panghihinayang dahil wala na atang bakanteng posisyon para sa trabahong gusto ko. Kung mas maaga lang sana akong nagdesisyon ay baka umabot pa ako.

"Ganoon po ba.. okay lang po ang kahit ano ma'am. K-kailangan ko lang po sana ng trabaho habang bakasyon sa school, graduating na po kasi ako at kung papalarin.. dito ko din po sana planong magapply ng internship." totoong sabi ko

Lumiwanag naman ang mukha niya? "Oh really? That's nice. For internship, I can promise you that we can cater you with a position related to your course. However, for employment naman eh wala na kasi kaming opening for back office. Let me check the available posts." Sabi nito at humarap sa computer niya at nagtipa.

Nabuyahan ako ng loob ng marinig na maaari nga akong magOJT sa MECS. Ang iintindihin ko nalang ay kung anong magiging trabaho ko sa sentro para makahanap na ako ng boarding house mamaya.

Napabuntong hininga ito matapos ang ilang segundong pagsscroll sa mouse. "I'm sorry, Ms. Silverio, we don't have any vacancies yet that will be fit for you."

"Ahm. Wala na po ba talaga ma'am? Kahit ano po sana.. kahit anong posisyon po ay kukunin ko kung sakali. Kailangan ko lang po kasi ng trabaho." Kinapalan ko na ang mukha ko sa pamimilit. Malungkot man ay tila bigo nga ako sa araw na ito

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now