Kabanata 31

1.1K 66 10
                                    

"Uhh daan muna ako ng cr saglit." Paalam ko sa mga kasama ng makalabas kami ng elevator pagtungtong ng twenty-sixth floor. May hallway sa gilid lang ng elevator kung saan patungo sa restrooms ng floor.

"Owkie. Mamaya na ako ibababa ko muna ang gamit ko." ani Jane.

Isa isa na din silang pumasok sa shared room. Ako lang ang paliko sa restroom sa tapat ng office namin. Ako lang ang tao ng makapasok ako. Agad akong nagtungo sa sink para magsipilyo. Pagkatapos ay inestima ko naman ang suot ko at ang mukha ko. Hindi naman ako ganoong oily dulot na din ng hormones kaya hindi na ako nagretouch. Naglagay nalang ako ng liptint para tumingkad ang labi ko.

Nang makuntento sa ayos ay lumabas na ako ng cr. May sampung minuto pa bago mag alauna kaya may oras pa ako. Saktong paglabas ko ng hallway ay siyang pagtunog ng elevator. Bumukas ang pinto at wala sa sarili akong napalingon sa gilid dahil sa konting ingay mula sa mga taong lulan ng elevator.

Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mata ko ng mismong mga magulang ni Rico kasama ang tatlong tila miyembro ng board ang siyang lumabas sa elevator.

Agad kong nakuha ang atensyon ni Madame Montecarlo na ngayon ay nakasuot ng pulang Chanel dress na pinarisan niya ng pulang Louboutin heels at perlas na kwintas. Nakasukbit sa kanang braso niya ang pulang birkin bag niya habang ang kaliwang braso ay nakaangkla kay Sir Ramon na nakasuot naman ng black na three-piece suit. Tumatawa pa ito sa sinabi ng isang tila Director na kausap.

Kuryosong nakatitig sakin ang ina ni Rico na nawala saglit ang ngiti. Hindi ko alam kung nagulat ba siya na nandito ako o marahil iniisip niya kung sino ako at ano ang pakay ko sa building. Bago pa man lumingon sa gawi ko ang ama ni Rico ay mabilis nakong tumalikod at umambang lalakad ng mabilis papasok ng shared room.

Napapikit nalang ako ng madiin at napahinto ng may tumawag sa akin.

"Excuse me? Where are you going?" sita sakin ng isa pang tila director din katabi ni Madame Fely.

I know that what I did was rude. Pero dahil sa takot at kaba, ay hindi ko na magawang bumati pa at naglakad nalang kahit nakita na nila akong paliko sa shared room.

Unti unti akong humarap ng nakayuko upang magbigay galang. "M-magandang hapon po. P-pabalik na po s-sana ako sa shared room. Excuse me po." Mabilis na pagpapaalam ko pero agad akong napigilan muli ng kasama nila.

"What's your business there? Are you an employee? And can you please show your face? You are being rude!" Dinaan sa tawa ng isang babaeng director ang pagsita sa akin. Marahil ay nahihiya sa mga magulang ni Rico dahil sa inasal ko.

Oo nga pala. Nakalimutan ko ulit suotin ang ID ko dahil hinubad ko ito noong nagtoothbrush ako. Muli akong humarap at dali daling hinalughog ang bag ko para makuha ang ID.

"My goodness. I'm sorry, Mr. President. Baka naligaw lang. I'll call the security." Ani muli ng babae sa magulang ni Rico. Agad akong kinabahan na baka palabasin ako ng building.

"Ahh- hindi po huwag po. Pasensya na po kayo ma'am. Wala po akong masamang pakay. K-katunayan ay empleyado po ako uhh ito po ang ID-" naputol ako ng tinawag na ng isang kasama nilang lalaki ang security na galing lunch at pabalik na sa pwesto niya.

"There's no need for that. She is one of our employees. Actually, she is working for Enrico as his executive secretary." Ang mommy na ni Rico ang umawat sa lalaki. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hiyang hiya ako at halos ingudngod ko ang mukha ko sa sahig sa pagyuko ng tumama ang tingin ng mag-asawa sa akin.

"Oh.. I see madame. What about Ben? I think he is still with us right? Hindi na ba siya ang secretary ni engineer?" naguguluhang tanong ng babaeng nasa tabi ni Felicia Montecarlo.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now