Kabanata 26

1.6K 69 10
                                    

Walang nagawa si Rico kung hindi ang bumuntong hininga at pakawalan kami para makababa sa twenty-sixth floor. Ano mang pagtanggi niya ay dinaan sa iling at muling bumalik sa kanyang swivel chair para magsimula sa trabaho.

Hindi nabubura ang mangha at mapanuring titig ni Ms. Rebecca kahit lulan na kami ng elevator pababa sa floor kung saan ako maaassign. Pinapanood niya ang repleksyon ko sa salamin na tila ba isa akong puzzle na hindi niya mabuo. Paminsan minsan din ay haharap siya sa akin at bubuka ang bibig na tila may sasabihin ngunit sa huli ay nanatili paring itong walang imik.

Ramdam ko ang pagkailang sa isat isa hanggang sa makapasok kami sa malaking shared room sa twenty-sixth floor. Doon ay sumalubong sa akin ang abalang palapag kung saan ang mga empleyado ay kung hindi may kausap sa telepono ay tutok naman sa monitor ng computer para sa kung anong trabaho.

Agad lumapit sa amin ang administrative manager at pinakilala ako ni Ms. Rebecca na bagong executive assistant ni Rico.

"Nice to meet you. I'm Kamile Encabo, the administrative manager. I am the floor supervisor of all the support staff for our leaders." Magiliw nitong pagpapakilala at nilahad ang kamay. Bagaman may taka sakanya kung bakit daw nadagdagan ang secretary ng CEO gayung kaya na ni Ben ang lahat ng trabaho ay hindi na siya nagusisa pa ng sinabi ni Ms. Rebecca na mismong si Rico ang nagsubmit ng endorsement para sakin.

Nahihiya akong ngumiti sa admin manager ng muling mabaling ang tingin niya sakin. Tumalikod ito at kinuha ang atensiyon ng lahat ng nandoon para pinakilala ako sakanila.

Bumaba na si Ms. Rebecca ng masigurong magiging komportable ako sa unang araw ng trabaho bilang secretary. Nagbilin siyang huwag mahiyang bumaba sa office niya kung sakaling may tanong ako.

Totoo ngang ang floor na ito ay para sa mga executive assistant o secretary ng board of directors, ng mga department managers, at ng executives. May nakikala akong assistant ng finance manager, production manager, maintenance, outsourcing, security, at iba pa. Kasama din namin sa palapag ang mismong secretary ng ama ni Rico at ng kanyang kapatid. Hindi na daw kasi pinapagstation ang mga secretary sa labas ng opisina ng kanilang boss dahil nais ng pamilya Montecarlo ng inclusivity, dahilan para maglaan sila ng isang palapag para sa aming lahat na magtrabaho ng magkakasama at aakyat o bababa nalang sa palapag ng direct report kung kinakailangan. Dito sila nakapwesto dahil accessible ito para sa mga boss nila na nasa itaas at ibabang palapag. Malapit din kami sa mga conference rooms kung sakaling may mga meeting na nakatalaga para sa mga departments.

"Here is your desk. You will station beside the CEO's secretary himself, as he will be the one who will onboard you on everything that you should know so that you can start the transition today. Ben, for your assistance." Ani ni Ms. Kamile sa mid 20s na lalaking katabi ko.

Nakasalamin si Ben at palangiti. Matangkad din ito ay medyo payat. Nakwento niya na halos limang taon na siyang nagtatrabaho under kay Rico.

"I was already informed by engineer beforehand kaya hinihintay talaga kita Rein. Nice to meet you!" Magiliw na bati nito sa akin at nilahad pa ang kamay na aking tinanggap. Malapit ang desk namin sa may double doors. Sa katapat na bay naman ang secretary ni Raymond, at sa likod niya ang kay Don Ramon. Sa sumunod na bay ang mga assistant ng department managers.

"You will be focusing on lighter tasks sabi ni engineer. Ikaw ang magtitimpla ng kape, kung minsan ay nagpapadeliver siya ng lunch pero nabanggit niya sakin na nagluluto ka daw?" Tanong nito sa akin.

"Ah... oo. Kaya ko ding magluto." Nahihiyang sabi ko. Pinilig niya ang ulo niya at kuryosong ngumiti

"Interesting... engineer seems to know you already. Paano ka pala nahire dito?" hindi niya napigilang tanong

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now