Kabanata 37

1.2K 68 9
                                    

Naputol ang linya matapos magsalita ni papa. Sinubukan kong idial pa ang number ni lola Flora pero wala ng sumasagot. Mabilis ang paghinga ko at kusang dumadaloy ang mga luha ko sa aking pisngi.

Wala akong inaksayang panahon at nagsimulang maglakad palabas ng hotel.

"Where are you going?" Rico asked me and his eyes widened when he saw me at this state.

"What the fuck happened? Why are you crying?" He rushed to comfort me but I pushed him a bit

"Rico.. si lola Flora... may nangyari.. kailangan kong u-umalis." I said between sobs. Nagpaalam ako dahil ayaw kong makaistorbo sa party niya pero ramdam kong nakasunod siya sakin ng halos takbuhin ko ang palabas ng hotel. Ring lang ng ring ang cellphone ni lola Flora

Papara dapat ako ng taxi ng hilahin ako ni Rico patungong parking lot. Nasa tenga niya ang cellphone at hindi ko alam kung sino ang kausap niya.

"Rico.. ako nalang ang aalis... baka hanapin ka sa loob-"

"Hush now. I'll come with you. We will find her." He said with a reassuring tone. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.. o kung lalo lang bang sasama ang tingin sa akin ng mommy niya.. pero wala ng natakbo sa isip ko ngayon kung hindi mahanap si lola Flora. Pinatunog niya ang lock ng sasakyan niya at mabilis kaming nakasakay.

"Track her. I want men placed outside the orphanage. I need reports. The rest of you, find her." He said on the phone as he started driving.

Sinubukan kong tawagan si ate Tess. Mabuti nalang at bukas ang linya niya

"Hello Rei-"

"Ate Tess! Si lola Flora po? Kasama niyo ba?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses

"Ha? Hindi. Eh lumabas iyon at may-"

"Saan po? Asan siya ngayon ate Tess?"

"Sa palengke. Makulit nga at sabi ko ako na-"

"Salamat po! Tatawag po ako ulit ate Tess." Agad ko nang binaba ang tawag at humarap kay Rico.

"Rico.. sa palengke. Sa palengke tayo! Diyos ko.." mabilis siyang lumiko at dumiretso sa sinabi kong lokasyon. Narinig kong sinabihan niya din sina Matias.

"Rico bilisan mo.. si lola Flora."

"Don't worry. We will find her."

"Baka.. baka hindi tayo umabot.. narinig ko si papa.. andun siya! Baka sinaktan siya!" Napahilamos ako at muling humikbi. Nagmura ang katabi ko at mas binilisan ang pagmamaneho.

Lola... sana ligtas ka.. papunta na po ako

Halos tumigil ang mundo ko ng marating namin ang palengke. Sa bukana ay may kumpulan na ng tao, at mobile ng barangay. Agad akong lumabas ng sasakyan.

Ayokong magisip ng masama pero habang papalapit ako sa pinagkakaguluhan ng mga tao ay humahangos ako sa paghinga. Hindi maaari.. hindi siya to

Naaninag ko ang katawan na nakahandusay na sinisilip ng mga nakikiusyoso. Lalapit pa ako ng humarang sa harap ko si Rico at kinulong ako ng yakap.

"You don't have to.. see this." He whispered in my temple as he hugged me tight so I can't escape.

I swallowed hard as tears are pooling on the side of my eyes. I need to be sure. I want to be sure that it's not.. her

"Gusto kong makita.. gusto kong makatiyak-"

"Engineer!" I heard Matias running towards our direction.

"Affirmative. Kinausap ko ngayon si Mike. Sugatan siya kasi siya ang humabol-"

Pilit akong kumalas sa lumuwag na yakap ni Rico. Kung nanghina siya sa narinig ay ako ay hindi naniniwala. Hindi niya direktang sinabi pero alam ko.. at ayaw kong maniwala

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now