Kabanata 35

1.2K 62 15
                                    

Tumawag si Elisse noong naka snack break ako sa work at sinabing sa condo niya ako tumuloy. Doon na daw ako maligo at magpalit.

"Kuya. Hindi po ako uuwi ngayon sa penthouse. Didiretso po ako sa condo ng kaibigan ko." Paalam ko sa nagulat na si Matias

"P-po? Pero sabi ni engineer na-"

"Kayna Elisse po kuya Matias. Kung saan mo ako hinatid noon." Putol ko sakanya at tumingin nalang sa bintana

"Magpapaalam ako kay engineer-"

"Hindi na po iyon kailangan. Kung maaari po sana.. ay sumama din po kayo sa akin. May dadaluhan po kasi akong birthday sa The Pub at iinom po kami ng mga kaibigan ko. Gusto ko po sana.. na nandoon kayo kung pwede-"

"Makakaasa ka Ms. Silverio. Isasama ko si Eric at si Rob." Napabaling ako sakanya at sinalubong niya ang tingin ko sa rearview mirror.

"Salamat po.. at pasensya na.. sa abala. Busy din ho si Rico sa trabaho kaya ayaw ko na siyang guluhin. Kasama naman po kita kaya okay lang."

I may be overreacting but I can't help myself. I promised that I will listen only to him pero isang article lang iyon at halos maansha na ako.

Nagtutugma rin naman ang scoop sa kung ano ang estado namin ngayon. Unti unti na siyang nawawalan ng oras sa akin. Marahil ay naisip niyang immature ang pakikipagrelasyon sa gaya ko, at kung kay Serena nga siya.. ay parehas na silang professional at may narating. Kung sila ang magkakatuluyan, mas lalago ang negosyo nila sa mga future projects na sila ang gagawa. Tiyak din na masisiyahan ang mga magulang niya kung magkagayon.

Muling bumigat ang dibdib ko sa dami ng iniisip ngunit hindi na ako iiyak. Ayaw ko nang umiyak na parang bata. Ginusto ko ito, pumayag akong makipagrelasyon sakanya, kaya dapat ay handa din akong masaktan.

A part of me wanted to hear his explanation like he promised in the past. That he will assure me and that I should only listen to him and don't pay attention to any rumors that can ruin our relationship. Pero huwag na. Nahuli ko na siya. At kung makikinig nanaman ako at madadala sa sweet mga niyang salita.. ako lang ang humuhukay ng sarili kong libingan.

"Hey! Miss you biatch!" Sinalubong ako ng yakap ni Elisse ng pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi na niya ako sinundo sa baba dahil kakagising niya lang daw at tinatamad pang kumilos. Nakasatin bathrobe lang ito pantakip sa suot na nighties.

Pagkahatid sakin ni Matias sa mismong unit ay nagpaalam na ito. Sinabi kong baka mga alas nwebe pa kami aalis kaya kakain nalang daw sila at magpapahinga ng kaonti ng kasama niya at kung maaari ay huwag kaming aalis hanggat wala pa sila. Gusto niya na siya nalang ang maghatid samin pero sinagot siya ni Elisse na susunduin kami ni Amer. Magcoconvoy nalang daw sila kung ganoon.

"Halika. Nagshopping ako last weekend. Pili ka nalang kung anong bet mong suotin. Mamaya na ako maliligo. We will have our dinner first bago tayo mag The Pub okay? Dito nalang. Magoorder ako ng takeout." Mahabang sabi nito bago humarap sa vanity mirror at halos mabasag ang salamin sa kakatitig niya sa mukha niya.

Sunod na naging okupado si Elisse ng cellphone niya para sa sunod sunod na tawag ng hotel. Dahil nga wala pa ang parents niya ay sakanya na din minsan nagtatanong ng permiso ang hotel. Magseseven thirty na ng dumating ang inorder niyang KFC. Kumakain na kami at mauuna daw na maligo si Elisse. Maliligo na din ako bago magpalit pagkatapos niya.

"Ugh. Kastress ang hotel management. So how's your internship? Anong chika sa engaged kong frenny." Ngisi ni Elisse habang binubuksan ang platter ng famous bowl.

Napasinghap ako habang hinahalo ang ala king rice bowl bago sumagot "Okay naman. Nakakasabay ako sa mga tasks at sa mga meetings na pinapasama kami. Lahat ng napag-aralan so far ay naeexperience ko first hand."

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now