Kabanata 32

1.2K 56 8
                                    

Sabay na kami ni Elisse na pumunta ng school para magenroll ng sumunod na linggo. Napagusapan din sa groupchat ang balak na araw at oras para daw sama sama na. Dahil iba ang kurso ni Elisse ay sa ibang araw pa nakatalaga ang college niya pero sinabi niyang magsabay nalang daw kami para isang puntahan nalang.

Nauna nakong magpunta sa Dean's office kanina para sa scholarship fund ko. Dahil sa mataas na GPA ay full-scholar ako at miscellaneous lang ang madalas na binabayaran ko. Sa admin ko naman nakukuha ang term allowance ko galing din sa scholarship. Ang mga magulang na ni Rico ang nagpasya na ang unibersidad na ang mamahala para narin convenient sa mga scholars nila ang kunin ang fund. Maaga akong nagpunta dahil medyo mahaba ang pinila ko sa dami ng scholars na kukuha din ng allowance nila.

"Where are you? I'm here na walking to the cafeteria." Text ni Elisse.

"Eto na. Naglalakad na din ako papunta diyan. Magsasabay lang tayo." Sagot ko sa text.

"Hey guys! Here! Kamusta? How's your vacation?" Jocelyn immediately saw us nearing the school cafeteria and called us to their table.

Tipid lang akong ngumiti at hinayaan na si Elisse ang sumagot ng makaupo kami sa lamesa nina Jocelyn.

"How are you guys? Well, naku nothing's new at eto nag Paris lang ako. Tinamad nako mag-isip kung saan ako pupunta eh. I'll visit a different country this Christmas nalang." Bored na sabi nito sa tabi ko.

Kanya kanya na silang kwento tungkol sa naging bakasyon. Sina Jocelyn ay nagpunta ng ibang bansa, habang ang iba ay nag Palawan naman daw o Cebu para magbeach. Sa kabilang lamesa naman nakaupo ang class president namin at ang ilan pang kaklase. Pinili na naming magkita kita nalang sa cafeteria dahil alauna pa naman ang enrollment para sa seniors ng college namin. Ang iba nga ay nanananghalian na.

"How about you, Rein? What did you do this semestral break?" Paguusisa ni Jocelyn habang umiinom ng kape niya galing Starbucks.

"Ahh. Wala naman. Trabaho lang. Sa sentro." Tipid na sagot ko. Ang iba ay hilaw ang ngisi at halatang di interesado sa narinig. Wala naman kasi akong ibang pagkaka-abalahan o pamilyang uuwian kaya maigi pa na magtrabaho nalang para makaipon.

"I'm hungry. Rein let's grab our lunch na bago tayo pumila." Pagaaya ni Elisse.

"Ahh- order lang kami." Paalam ko sa mga kaklase ng tumayo ako.

"Sure! We had our brunch na sa Starbucks eh. We're good na." Sagot naman ni Aya.

Nang matapos kumain ay isa isa na kaming lumabas ng cafeteria. Mahaba ang oras na ipinila namin para sa pag e-enroll. At babalik daw kami kinabukasan para naman sa requirements na ibibigay sa company na pago-OJThan namin. Sa susunod na linggo pa namin pormal na mamimeet ang internship adviser pero siya padin ang magaassist samin this week sa paglalakad ng requirements.

Mabuti nalang at maluwag sa akin si Ms. Kamile dahil nga nagaayos ako para sa OJT ko. May pasok dapat ako ngayong linggo dahil hindi pa napaprocess ng HR ang formal resignation ko pero pinayagan niya ako lumiban muna para pumunta ng school. Iyon nga lang, ay sinabi niyang ibabawas sa timesheet ko ang magiging bayad ko sa araw na wala ako. Mabuti na din iyon dahil iyon din naman ang sinasabi ko kay Rico. Kapag ganito, mas patas siyang tignan at hindi ako aani ng anumang intriga sa trabaho.

"Kung hindi ka busy, iapprove mo na ang resignation ko." Sabi ko kay Rico, ng tumawag siya kinagabihan.

"Hmm. I am busy. Madaming ginagawa sa site. I also have a lot of meetings." He said trying to dismiss my request. Abat!

"Hmm. Mayat maya ka nga chat ng chat. Iyan ba ang busy? Ang sabihin mo ayaw mo lang iapprove. Rico hindi na nga ako makakapagfocus diyan. Nagenroll nako at bukas, magpaprocess nako ng requirements." Paulit ulit ko ng paliwanag. Ang kulit.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now