Kabanata 6

1.5K 84 4
                                    

I was stunned and couldn't process what he said. Did he just invite me to his car for a ride? Hindi magkamayaw ang kaba ko ng mga oras na to

"Uh-ah sir hindi na po. Nakakahiya naman okay lan-" I saw him getting impatient and stared darkly at me.

"Your friend is on her way. You may see her sooner if you go with me. It's also convenient as you don't have to worry for your transportation fare." pangeengganyo nya sa akin. Ngunit hindi ko maintindihan ay

"B-bakit sir? Ahm... ah bakit mo.. ako ihahatid?" hindi napuputol ang tingin nya sa akin. Does he know me? Does he remember?

He sighed as he walk closer to me towering me with his stature and intimidating me with his stern gaze. "Do I have to keep on repeating myself, Rein?" "Get. In. My. Car. Take this as an act of charity. Nagmamagandang loob na ako"

Napatingala ako sakanya at napatitig ng malapitan. His moreno complexion matches his dominance. Pantay na tan at clean-cut black hair. Thick brows that often furrowed when he is irritated with something. Itim na mga mata na nagkukulay brown sa sinag ng ilaw galing sa poste. Mahabang pilikmata, matangos na ilong at katamtamang kapal ng mapupulang labi. He's just so.. he is

"Hmmm. I don't mind you staring at me all night, but don't you want to make it to the event? Your friend is waiting" nangingising panunuya niya sakin na nagpabalik sakin sa reyalidad. Fuck.... ano te? Tinutunaw mo na ng tingin? So much for hindi nagnanasa over the eldest son of Montecarlo, Rein!

"U-uh I'm sorry. May iniisip lang. S-sige po sir, kung h-hindi makakaabala" at bakit ka naman pumayag? Kaano ano mo ba yan siya?

Lulan ng kanyang black Maserati Sedan ay pumunta kami sa pinakabayan malapit sa munisipyo kung saan gaganapin ang taunang pista. Ngayon ang coronation night ng Mr. and Ms. San Vicente, bukas naman ang carnival games na gaganapin sa parehas na lugar. Sa mga susunod pa ay ang mga paraffle. Malapit ang pamilya ng gobernador ng San Vicente sa pamilya Montecarlo at usap usapan ang pagiging major sponsor ng pamilya sa taunang pista. No wonder he will be attending...

He will be attending tonight's event! That means we might be seen together by people! Wala man malisya ay hindi maalis sa isip ko ang maaaring mangyari

"U-ah sir sa may parke lang ho sana ako magpapababa" may kaba sa boses ngunit natatarantang sambit sa takot na maging paksa ng diskusyon

I saw him glance at my direction and focused on the road as he maneuver the steering wheel with his right hand, while his left arm is resting at his door side and playing with his lower lip. He look so manly driving his manly-scented car

Hindi siya sumagot ngunit batid ko ang daan na tinatahak nya. Ihahatid nya ako sa parke sa kung saan maaaring nagiintay ang bestfriend.

Narinig ko siyang tumikhim kaya napagawi ako muli sakanya. I saw him side eyeing me

"Is the guy you are working with, your boyfriend?" pang uusisa nya, na hindi ko masagot. Si Alex ba? Ramdam kong hindi maganda kung sasang ayon ako, at dahil wala rin naman namamagitan samin ni Alex, hindi ko rin batid bakit ang pagsabi ng totoo ay mahirap din, pakiramdam ko ay magkakaroon ng ibang kahulugan ang pagtanggi ko sakanya

"Hindi ho sir. K-kaibigan ko lang po si Alex. Sadyang magiliw lang talaga siya at masiyahin, kagaya ng isa pa naming katrabahong babae" sagot ko. Did I satisfy him with my answer? And why.. would I even have to satisfy him to begin with? Masyado ata akong nadadala sa mga usap usapang narinig ko ng nakaraan sa coffee shop. Ano bang arte mo Rein?

Hindi siya sumagot at lumiko na sa banda ng parte. Malayo pa ay tanaw ko na si Elisse na maarteng pinapalo ang hita na tila ba kinakagat ng lamok, habang nag iintay.

Muli akong natauhan

"Sir!" sigaw ko at halos bumalya ako sa biglaang pagpreno niya. I heard him mutter a curse

"A-ah sorry po sir. Dito nalang po, dito nalang po ako bababa. Salamat ho sa paghatid" ani ko at pilit hinuhubad ang seatbelt upang makalabas na. Hindi kami maaaring makita ni Elisse lalo pat hindi ko alam paano ipapaliwanag sakanya na hinatid ako... Hinatid ako ng panganay ng mag-asawang Montecarlo

He didn't respond nor react to what I said. I hope I am not rude for abruptly leaving him after his kind gesture. Narinig kong tumunog ang sasakyan tanda na inunlock nya ang pintuan ko.

Dali-dali akong lumabas at maingat na sinara ang pinto. Elisse is occupied with her legs and eyeing the sides of her stone chair as he checks on her phone from time to time.

Mabilis akong lumakad at tumabi sa gilid, ani mo kakababa ko lang ng jeep bago makaliko sa parke

Walang malay na nilingon ko ang sasakyan at nakita kong nandoon padin ito. At bukas ang headlight. Nataranta ako at bumilis ang hakbang papalapit sa kaibigan na batid kong tatalakan ako sa pag iintay.

Nakita kong umangat ang tingin sakin ni Elisse at kung paanong guminhawa ang mukha nya nang tumayo.

"Finally! I thought you stood me up. It's your fault if I got dengue. These mosquitoes are feasting on my arms and legs! Err!" Diring diring sabe nito at inangkla ang braso sa akin. Nagsimula kaming tumungo sa mga stalls ng ibat ibang klase ng street foods. Elisse is a spoiled brat at likas ang mga matutuyang komento galing sakanya but she is very down to earth. The hotel heiress of Manzano family is here with me, eating isaw and kwek-kwek with the common people.

Naaaliw akong pagmasdan ang reaksyon nya na sarap na sarap sa kinakaing tokneneng sa tasa, habang kumagat naman ako sa stick ng isaw na hawak ko.

Nang makuntento sa kinain ay bumili kami ng bote ng inumin at nagumpisang lumakad sa tapat ng munisipyo, kung saan nakatayo ang stage na gaganapan ng patimpalak ngayong gabi.

Maswerte kami at naguumpisa palang ang intermission number ng mga kandidata. Madami nang tao at halos mga nakatayo na. Naiirita man ay sumiksik ang Elisse habang hila ako para makanood kami sa bandang harap. Napatapat kami sa medyo maluwag na bahagi ng bulwagan ng munisipyo, sa kanang bahagi ng lamesa nga mga hurado na tutok na tutok sa mga kandidatang ngayon ay nagpapakilala.

Something in me searched the panel of judges, looking for him. Is he here? Hindi ko makita ang sa may kaliwang banda at bago pa man ako mapahakbang any narinig ko ang emcee na isa isa namang pinapakilala ang mga hurado

"And now, it's time we introduce our panel of judges who will screen these ladies and gents for the next festival king and queen! First, let's acknowledge the presence of our major sponsor for tonight's event. An alumnus of San Vicente University for his bachelor's degree in civil engineering, who also had his MBA abroad. Stand 6'3 feet is a twenty eight year old bachelor who recently came back to lead Montecarlo Engineering and Construction Services. Let's give it up for the eldest son and heir of the Montecarlo clan, Mr. Enrico Adrian Montecarlo!" masiglang pagpapakilala ng emcee sakanya. Hindi pa man natatapos ay hindi na magkamayaw ang sigawan na tila nahuhulaan kung sino ang pinapakilala.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan sa likod namin nang tumayo ito mula sa kaliwang banda at humarap sa mamamayan ng San Vicente. Nakangiti itong kumakaway sa bawat sulok ng patimpalak. Napihit sya sa gawi namin at pakiramdam ko'y nagtama ang aming tingin. Napawi ang ngiti nito at lumingon sa harap bago muling umupo.

"Oh my gosh, tinignan nya ko! Tinignan nya ko beh! Fafa Rico ang pogi mo!" malisyosang tili ng isang bakla sa likod ko

And again, my heart starts beating fast as I tried to catch my breath

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon