Kabanata 27

1.3K 69 13
                                    

"Matias told me you went shopping. What did you get?" mausisang tanong nito habang pinaglalaruan ang buhok ko. Nandito na kami sa kama at tanging ang lamp shade nalang ang natitirang liwanag sa malaking kwarto niya.

Binigay ko ang buong bigat ko sakanya sa pagsandal ko sa malapad at mabalahibo niyang dibdib. Nakasandal siya sa headboard pero pinagsisiksikan ang mukha sa leeg ko.

"W-wala naman. May binili lang akong.. importante." Hindi padin talaga ako sigurado kung sasama ako sa mga kawork ko bukas para bumaba sa party. Pero kung sakali, ayoko din namang sayangin ang perang pinambili ko. Bukas sa almusal ko nalang siguro sasabihin na may binili akong regalo... para sa mommy niya.

"You should bring my card next time. I'll buy you anything you want." He is baby talking against my neck and his lips are sensually brushing through my skin. Pinilig ko ang ulo ko pakabila para malaya siyang ipagsiksikan ang mukha niya sa leeg ko.

Napanguso ako para itago ang kilig na nararamdaman. Halos ilang buwan na kaming naguusap at magkasama, kaya araw araw ay mas nagiging malinaw ang lumalalim na pagtingin ko sakanya.

Hindi na ako naguguluhan pa. Mas nadepina ang nararamdaman ko kanina ng naisin kong ipilit ang sarili na bumagay sa mundo niya. Na magsumikap ako para may marating sa buhay. Para sana.. kahit papano ay matanggap ako ng mga magulang niya.

Gusto kita. Gustong gusto kita Rico. At sa bawat araw na dumadaan, kada ipipikit ko ang aking mga mata sa gabi na ikaw ang huli kong makikita, at sa paggising ay ang makisig mong mukha ang bubungad sa akin, ay mas lalo lang akong nagiging sigurado sa nararamdaman ko. Gusto kita... o baka nga higit pa.

"Hindi na. Hindi naman ako maluho. Hindi ko nakasanayan ang mamili ng mga bagong gamit. Sadyang kailangan lang talaga."

"Hmm. You know, it's my mother's birthday tomorrow." he said as he rised from crouching and faced me.

"A-alam ko. Nabanggit ng mga kasama ko sa floor.. na may hinanda ngang buffet para sa mga employees bukas.. at inaaya nila akong sumama."

"Do you want to join them?" I felt his sincerity when asking. He always want to indulge me with anything.

"H-hindi pa ako sigurado. Pero wala naman sigurong mawawala.. since maaga daw ata kami magkaclock out bukas."

He sighed. "But I want you to come with me tomorrow. The celebration will be held on your best friend's hotel. With my relatives, family friends, and the members of the board." marahan niya akong pinihit para magkaharap kami. Iginiya niya ang makinis kong hita sa kanyang hita na may makapal na tubo ng balahibo. He is tall, dark, muscular and hairy. Every woman will be on their knees just for the tiniest bit of his attention.

"I want you to meet them. I want you to formally meet my parents."

Ano daw?

"I know you are not yet ready. And you wanted to keep me a secret. But.. I want you to come with me tomorrow. I will not say a word about our relationship. About me courting you. But I just want you to be there with me." he cupped my face and stared at me intently.

"E-edi ganoon din iyon? Paano natin maitatago ito kung isasama mo ako? Imposibleng hindi sila magisip ng kung ano dahil sa kasama mo ako-"

"Let them satisfy themselves with their gossip. I just wanted to be there with you. My mother is very warm, she is kind and respectful. My father, though he is strict, is still kind and not judgmental. They will not condemn you just because you are with me. Or they will disapprove our relationship just because you are a transwoman. My parents are very understanding, baby."

Hindi ko alam kung paanong nakumbinsi niya ako na sumama sakanya bukas. Marahil ay dahil sa pagkagusto ko sakanya, at sa kakatitig sa madilim niyang mata, ay mabilis niya akong nakukuha sa mga salita.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now