Kabanata 45

1.3K 77 19
                                    

Hanggang sa natapos ang shift ko ay hindi ko na nalapitan ang table nina Sean.. tuwing nagtataas siya ng kamay, ay nagpapanggap akong may ginagawa at hindi yun nakikita. Nagpupunas ng bakanteng mesa, kumukuha ng yelo, may kakausapin sa bar..

Mabait sakin si Sean at hindi ako kailanman pinakitaan ng hindi maganda.. kaya hindi ko magawang tahasan siyang ignorahin dahil lang.. sa nagseselos ang mokong na iyon.

Hindi na rin ako nakalapit sa mesa nila dahil ayokong maisip ni Sean na iniiwasan ko siya. Pakikipagkaibigan lang ang mabibigay ko.. pero hindi ko ata kaya siyang bastusin ng ganon.

Hindi na rin nakabalik pa ng mesa nina Rico si Myca. Iwas siya sakin at nasa kabilang dako ng club, kaya sina Kara at Neomi ang kumukuha ng orders sa banda nila Rico.

Sabi niya paaalisin niya? Ano kayang sinabi niya?

Nakita kong naunang umalis ang kaibigan ni Rico dalawang oras bago ang closing namin. Habang siya, nandun padin at pangatlong bote na ata ng alak. Lumipat siya sa inuupuan noong kaibigan niya para makita niya ako ng mas maayos. Maya't maya tuloy ako ayos ng ayos ng buhok at ng apron. Kada mababakante ay sinisipat ko ang sarili sa CR kung maputla ba ako at naglalagay ng liptint. Shocks! Conscious na conscious Rein ha! Hindi ko alam kung tinatamaan na ba siya pero kanina pa siya umiinom. Magdadrive pa iyan mamaya.

Naglalabasan na ang mga VIP namin at ang ibang customers ay nagbill out na noong naglast order kami.

Gayon din sa table nina Sean na ang iingay na dahil mga lasing. Nilapitan sila ni Neomi para sabihan na last order na at ako naman... sa mesa ni Rico.

"Uhh-" I suddenly got tongue tied when I reached his table as he is staring at me intently.

"S-Sir. L-last order na po kami..." hindi ko na natuloy ang ibang dapat na sasabihin.

Kinuha niya ang wallet sa back pocket at inabot sakin ang black card "What do you want for breakfast?"

Hindi ako agad nakasagot at bahagyang sumilip kung may nakarinig ba. Shit! "Uhh- sa labas nalang.. mamaya..."

"Alright." Mabilis kong kinuha ang card at bahagyang yumuko bago naglakad ng mabilis sa bar para sa bill niya.

May natitira pang kaonti sa bote niya pero lumabas na siya ng club ng mabalik sakanya ang card ng isang waitress. Naramdaman kong nagbeep ang phone ko sa bulsa.

Napabuntong hininga ako. Hindi kami pwedeng magphone sa trabaho pero ang sakin.. nasa bulsa. Bakit naman Rein? Naghihintay ka ng text? Tawag?

Simple kong binasa ang mensahe bago muling nagayos ng mga naiwang mesa.

"Meet you outside. Please don't take long."

Halata ang pagmamadali ko na matapos ang trabaho. Mabilis lang din akong nagpalit sa locker para makalabas na. Bukod sa pagod na ako at pata na ang katawan ko.. ayoko din na paghintayin siya ng matagal sa labas.

Nadatnan ko siyang nakahilig sa puting Aston Martin. Bahagyang nakayuko at nakapikit. Agad akong nahabag sa itsura niya. Hindi naman na niya kailangan na maghintay sakin ng ganito. Pwede naman siyang umuwi na para makapagpahinga.

Saan ba siya tumutuloy? At sinong kasama niya.

The thought of him being drunk escaped my mind as he is still wary of his surroundings. His eyes automatically darted at my direction when he heard me walking towards him.

He cleared his throat and he clicked his neck before correcting his slouched position.

"Are you done?" His deep baritone bone filled my ear.

Agad akong tumango at napatingin sa sasakyan niya. "Uhh- kaya mo bang.. magdrive?"

"Yes. Get in. I'll take you home."

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now