Kabanata 25

1.6K 75 10
                                    

I stared in awe as we walked straight to the living room of his penthouse. Marahil dahil sa takot, at sa pagnanais na bumawi sa pagsisinungaling ko sakanya, ay pinagbigyan ko ang sarili ko na sumunod. Na pumayag sa gusto niya.

We are going to live together. I don't know what will happen after tonight, but for once, I finally surrender to what my heart wants. Minsan akong nahihilo sa kalagitnaan ng trabaho dahil nahihirapan akong matulog sa gabi. Sa sobrang pag-iisip ko ng maaaring maging reaction ng kung sino sa kung anong namamagitan saming dalawa, ay halos parusahan ako ng utak ko sa mga eksenang napapanaginipan ko.

Hindi pa kami opisyal ni Rico, ngunit may pagkakataon na kaming natulog ng magkatabi. At masasabi kong mahimbing at kalmado ang tulog ko, kapag malapit siya sa akin. Na lahat ng alinlangan ko ay nawawala dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa bisig niya.

I was busy appreciating the beauty of the city lights when a warm pair of strong hands embraced me. Lilingon sana ako pero tumama lang ang tungkil ng ilong ko sa pisngi ni Rico dahil pinahinga nya ang baba nya sa balikat ko. Hindi ko na naiwasang mapangiti sa pamilyar na kilig na nararamdaman ko. Nasanay na akong palagi niya akong niyayakap at nilalambing. Bagay na hindi ko inakalang dadanasin ko.

"How is it?" I can sense that he is trying to read through my thoughts.

"I-I like it. Gusto ko na nakikita ang naglalakihang buildings. Nakakarelax panoorin kung paanong tila hindi natatapos ang araw sa siyudad. Palagi itong abala.."

"Hmmm." Ramdam ko ang kiliti dahil pinapadaan niya ang ilong niya sa tenga ko pababa sa pisngi.

"P-pangarap ko.. noong bata pa ako.. pangarap ko na tumira sa ganitong lugar. Na makapagtrabaho sa malaking kompanya pagkatapos kong mag-aral. Na-" hindi ko matuloy ang huling sasabihin.. dahil maging ako ay nalilito

Noon iniisip ko, na sa kagustuhan kong bumawi sa utang na loob ko sa mag-asawang Montecarlo, ay maglilingkod ako sakanila sa paraang alam ko. Na mapalapit sa lalaki nilang anak na natitipuhan ko.

I thought it was Raymond. I knew that I liked him. But with Rico, everything feels... surreal. I won't deny the fact that it's impossible for me not to have feelings for him after what's been happening between us. For what he has been doing. It's like I was blessed to have something I don't think I deserve to have in the first place.

Para magustuhan ako ng isang kagaya ni Rico, ay tila nakakatawa. Mahirap lang ako. Hindi ko alam kung anong mukhang maihaharap ko sa pamilya niya kung sakaling ipakilala niya ako bilang...girlfriend niya. Na paano ko hahayaang ang isang kagaya niya na walang ibang masamang pinakita sakin, ay mapahiya lang dahil pinili niyang makipagrelasyon sa kagaya ko.

"Please tell me what's wrong.." I heard him comfort me when I unknowingly shed tears because of fear.

I fear that the more we stay together, the more I will be drowned with my growing feelings.. at kung paanong hindi na ako makakaahon pa.. kung sakali ngang hindi kami sa huli dahil sa mga senaryong tumatakbo sa isipan ko ilang gabi na ang lumilipas.

Natawa ako ng pagak ng punasan niya ang luha ko at hilahin ako para harapin siya.

"S-sorry. Sa hormones ko lang ito." Nilunok ko ang lahat ng bigat sa dibdib ko at tinuon ang tingin sa malaking glass window na may overlooking ng buong siyudad.

He held my chin up to meet his menacing stare "Tell me. What is it that upsets you?" he said as he rested his forehead against mine. Why do you always have to be like this? Why do you have to make my heart beats so fast with your sweet gestures? Bakit kailangan mo akong sanayin sa mga trato mong ganito?

Nanginginig ang boses ko kakapigil sa paghikbi "Natatakot lang ako. Sa kung anong maaaring mangyari kung may makaalam na nakikitira ako sayo. P-pero.."

Nakita ko siyang nagaabang ng susunod kong sasabihin. Awang ang namumulang labi niya at pinilit na sarilinin ang dapat na isasagot

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now