Kabanata 33

1.2K 59 8
                                    

"Happy monthsary, baby!" Jocelyn made a welcome surprise to Rico when he came back home after months of supervising the two of their major projects this year in the US. Everyone in the HR team celebrated the fruitfulness of their relationship and how it seems like he came back for her.

While I stand in the far corner, staring, I saw how Rico closed their distance as he immediately planted a quick kiss on Jocelyn's lips. He looked so in love and mesmerized.

"Bagay na bagay po kayo engineer." Puri ng HR manager namin na sinang ayunan naman ng iba pa nilang kasama.

Unti unting sumikip ang dibdib ko para sa nagbabadyang luha. The entire room cheered for them. They looked so good together, both who came from good and rich families.

"Rein, halika kuha ka ng cake!" Aya sakin ni Kenneth na may hawak na platito ng sliced chocolate cake.

Wala sa sarili akong umiling habang nakatitig padin sa dalawa. We broke up because he realized that his mom is right all along, that he should be with a woman with a good family name. And I didn't say a word. I didn't take it against him for falling out of love for me. I let him go because that is what's right.

"Ahh.. cr lang ako saglit Ken." Paalam ko sa katabi. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil hindi ko na kayang makatagal sa pananatili sa iisang silid kasama sila. Hindi ko kaya.. na makita kang nahuhulog at tumitig ng ganoon sa iba.

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong nabangga ng isang payat ay amoy araw na lalaki.

"Kung ginalingan mo lang sana ang pagpapaligaya sa lalaking iyan, eh di sana kayo padin at mayaman na tayo ngayon!" Sigaw sakin.. ni papa. Agad akong ginapangan ng takot. Paano siya nakapasok dito?

"Papa-"

Akmang tatakbo ako ng ibalya niya ako sa sumaradong pinto na agad nagpalikwas ng bangon sakin.. hingal na hingal.. at pawis na pawis. Panaginip lang pala.

Malakas akong napabuntong hininga at tumingin sa orasan sa bedside table. Alas dos palang ng umaga at mamaya pa ang pasok ko. Pinunasan ko ng palad ang butil butil na pawis sa noo ko at nagpasyang bumangon.

Nitong mga nakaraan ay nahihirapan nanaman akong matulog dahil sa masasamang panaginip. Halos puro senaryo patungkol kay Jocelyn, o di kaya'y sa mga magulang ni Rico, o kaya naman kay papa.

Malamig ang kwarto ni Rico pero dahil sa tindi ng panaginip, ay naaabutan ko ang sariling pinagpapawisan sa takot sa tuwing nagigising. Sa noo at sa likod.

Hinubad ko ang lahat ng suot na damit at tumapat sa shower head. Doon ay hinayaan kong mabasa ako ng may katamtamang init ng tubig, at kasabay ng pagdaloy nito ay ang paglaya ko sa malikot na kaisipan.

Magdadalawang linggo na ng magsimula kami magOJT. Walang problema sa schedule ko at nagrereport lang kami ng isang oras sa school tuwing alas syete ng umaga kada lunes, patapos ay babyahe na ako paMECS para makaabot ako sa shift ko ng alas nwebe. Hindi ako nakakaltasan sa oras gaya ng sabi ni Ms. Aika dahil hindi naman nakakasagasa ang pagrereport ko sa school sa oras na nakatalaga para sa trabaho ko.

Civil lang kami ni Jocelyn sa isat isa at masasabi kong magiliw kaming nakakahalubilo sa mga empleyado sa HR department, ganoon din ang mga estudyanteng nago-OJT kasama namin mula sa ibang unibersidad tuwing nagpapameeting si Ms. Aika.

I figured she doesn't want to talk to me about why is she in MECS, or what's her real motive in having her internship there. Wala din naman akong lakas ng loob na tanungin siya tungkol doon.

Minsan siyang natanong ni Kenneth kung bakit niya piniling magOJT sa isang engineering company, at hindi sa pag-aari nilang resort. Mabilis niya lang nalihis ang tanong at sinabing gusto niyang magexplore ng ibang industry.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now