Kabanata 44

1.4K 81 18
                                    

Para akong lumulutang sa ere ng makita ko siya sa pintuan ng apartment ko. Mapait akong ngumiti at nilakihan ang awang ng pinto para magbigay daan sakanya. Nanatili namang nakatuon ang mata ko sa aking mga paa at mapait na napalunok. My eyes are starting to water so I tried to keep my cool.

Ganitong ganito ang tagpo namin noon sa apartment ko malapit sa SVU. Tuwing gabi, pagkauwi ko galing sa trabaho, ay aakyat siya sa apartment ko na may dalang paper bag ng dinner naming dalawa. Sabay kaming kakain, tapos ay maliligo ako, minsan ay tinutulungan niya ako sa mga assignments ko, at aantayin niya akong makatulog bago siya umalis.

My heart is so happy that it almost pound it's way out of my chest. Dalawang taon Rico. Hindi ko inakala na makikita pa kita ulit. Na magkakalapit tayo ng ganito. Na mahahawakan natin ang isa't isa.

"Is something wrong?" I heard him asked behind me. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya at naiwan akong nakakapit padin sa pinto at nakayuko. Agad akong umiling at kumurap ng maraming beses para simpleng ipalis ang namumuong luha. Tinulak ko pasarado ang pinto at nilock ito.

I tried to smile but I am too weak. I am trying to so hard not to bury my face on his chest and cry like a baby. I missed you so much that it hurts. Because I know that there's a chance we will not see each other again.

I'm scared, of what will happen in the future, thinking how much time I might have left to spend with you, in case I lost this battle.

"Uhh-" I tried to clear my throat but my voice is still shaky. I walked passed him to get some utensils and a plate, to give me a chance to secretly wiped my tears away. I don't think I can keep a straight face without crying every time I look at him.

Huminga ako ng malalim at nakangiti paring humarap sakanya. Nanginginig ang kamay kong nilapag ang mga kinuha ko sa kusina sa mesa.

"S-salamat talaga. A-At pasensya na sa a-abala. U-upo ka. Medyo m-madami ang inorder mo para sakin.. kaya h-hati nalang t-tayo." Sinikap kong huwag manginig ang boses ko ngunit bigo parin. Hayaan na. Atlis napipigilan ko ng maiyak. Hindi siya nagsalita kaya nauna na akong umupo. Hindi na rin ako nahiyang kunin ang paper bag na nilapag niya sa mesa para ilabas ang mga pagkain.

"Are you sure it's okay.. for me to come in and stay a bit longer? I can leave.. I just.. want to give you your takeout."

Napatingala ako sakanya at kita ko ang magkahalong galit at sakit sa kanyang mga mata. His bloodshot eyes almost tell me the pain I have caused when I left him. I'm so sorry, baby.

"Y-yeah. W-walang problema" iling ko "Maupo ka.. p-please. P-pwede tayong maghati.. sa i-inorder mo." Para siyang posteng nakatayo sa gilid ko kaya pilit ko siyang pinapaupo. Bumuntong hininga ang huli bago hinila ang katapat kong upuan para ipwesto sa gilid ko. Naupo siya sa tabi ko at pinanood akong binubuksan ang spaghetti.. partikular sa mga kamay ko.

Huli na ng mapagtanto ko kung ano ang maaari niyang tinitignan kaya hindi ko na nagawang ibaba ang kaliwang kamay kong may suot na singsing niya. Ang engagement ring na binigay niya.

I tried to force a smile to save me from this awkward situation. Sobra akong nakoconscious dahil nakikita ko sa peripheral kong nakatuon ang buong tingin niya sa singsing ko. Inilabas ko ang large coke sa paper bag at maging iyon ay sinundan niya parin ng tingin.

Dalawang taon.. pero hindi manlang nabawasan ang epekto mo sakin. Ganoon mo parin pinapatibok ng mabilis ang puso ko.

"K-kain na tayo?" Sinulyapan ko siya at kita ko ang naguguluhan niyang tingin. Kunot ang noo niya at namumula ang mga mata, pabalik balik ang tingin sa mukha ko at sa singsing ko. Awang ang labi pero walang binibigkas na salita.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now