Kabanata 2

1.8K 92 1
                                    

I spent the next ten years of my life in an orphanage. I was lucky that sister Flora found me crying on the sidewalk. Hoping that my father would return as what he told me.

Dahil narin sa mga mayayamang pamilya ng San Vicente, nabigyan ako ng pagkakataon na makapagaral dahil na rin sa mga donasyon nila para sa mga bata sa ampunan.

A decade have past and yet it still feels like yesterday when papa chose to abandoned me in a town far from our home. Sampung taon pagluha gabi-gabi, at walang katapusang tanong kung paanong pinili ni papa na iwan ako kaysa alagaan. Alam ko naman na hindi nya tanggap ang kasarian ko, dahilan marahil na itakwil ako ng ama sa pagpanaw ng aking ina.

Aking ina, na hindi ko na nabisita nang sampung taon. It pains me to think na maaaring nagtatampo sya na hindi ko sya manlang pinuntahan, o bigyan ng bulaklak, o tirikan ng kandila. Dalawang oras ang layo ng San Vicente sa Santa Mayor ngunit hindi kailanman sumagi sa isip ko na bumalik. Given that my father might not want me to come back, I also don't have the courage to face the nightmare of my past that haunts me every night. Isa pa, maswerte na ako at pinili akong kupkupin nina sister. Pangarap ko ding makapagtapos ng kolehiyo at makatulong sa ampunan bilang pagtanaw ng utang na loob.

Nasa third year college na ako ngayon sa kursong Business Administration major in Human Resources Management. Dahil na rin siguro sa pangarap kong makapagtrabaho sa mga malalaking building na makikita mo sa sentro ng San Vicente, ang pinakamalaking siyudad sa aming lugar.

I was fifteen when I started transitioning, hindi man makakonsulta sa endrochinologist ay natuto naman ako sa mga kakilalang trans na umiinom ng pills. I noticed the changes in my body a year after taking HRT, kung paanong mas nahulma ang aking balakang, at unti unting tubuan ng dibdib. 5'7 ang height ko at madalas mapuri at engganyohin maging modelo sa mga boutique dito sa San Vicente. Another three years have passed and I can say that I already look like a woman. Madalas akong napagkakamalang babae dahil na rin sa maamong mukha at maputing balat, itim na itim na buhok na abot na hanggang balikat. Madalas din tuloy akong tuksuhin ng mga bakla na tambay kay Aling Alma na lutong luto na raw ako sa pills. In which gave me a great satisfaction as I knew back then that I am not a man. I am rather a girl trapped inside a boy's body.

"Akla! Narinig mo ba?" tanong ni Elisse ng makaupo ako sa aking upuan. Unang araw ng klase at nagiintay kami sa aming prof.

"Hmmm?" lingon ko sakanya.

"Sa fiesta, uuwi ang magkapatid na Montecarlo. Usap usapan na magsisimula na daw mamahala ang panganay ni Don Ramon sa MECS diyan sa sentro. Tapos yung crush mo gagraduate na ng masters. Bibisita daw sa ampunan sabi!" patiling bulong nya na nakakuha ng buong atensyon ko.

"K-kelan daw? Magtatagal daw ba sila?" kuryosong tanong ko.

"Ay iba den. Jowang uuwian yarn?" malanding ani ni Elisse na tinatapik pa ang braso ko. Napatingin tuloy ang mga babae naming kaklase sa harapan at mahinang umirap.

Si Elisse lang ang matalik kong kaibigan sa SVU. Galing sya sa may kayang pamilya kaya hindi sya nahihirapang makisama sa mga kaklase namin. Habang ako ay full scholar ng pamilya Montecarlo. Kasama ng iba pang bata sa ampunan na tinutulungan ng magasawang Don Ramon and Donya Felicia. Nagtatrabaho din ako sa isang coffee shop malapit sa unibersidad pagtapos ng oras ng klase para naman sa mga miscellaneous at iba pang sariling gastusin.

"Tumigil ka nga. At hinaan mo ang boses mo! Nakakahiya sa mga nakakarinig" saway sa bestfriend. Ngunit di maipagkakaila ang tila excitement na naramdaman ng marinig ang balita.

Sampung taong gulang ako ng nakilala ko ang pamilya Montecarlo. Lampas isang taon na ang tinagal ko sa Angel Haven ng personal silang makita isang beses ng dumalaw sila bisperas ng pasko. Aristokrato ang mag-asawa. Striktong tignan ang Don Ramon ngunit hindi mo makikitaan ng masama dahil magiliw itong nakikipagusap sa mga madre. Ganun din ang asawang magiliw naman sa mga batang gaya ko na iniwan sa ampunan. Madalas silang bumibisita, pasko, bagong taon, at kung minsan ay pista. Kung hindi man makakadalo ang mag-asawa ay tinitiyak nilang may representasyon sila at magpapahanda sabuong ampunan. Sobrang pinagpapala ang pamilya Montecarlo na isa sa pinakamayamang pamilya sa siyudad. Aktibo din sila sa mga charities at outreach programs na minsan ding nadadaluhan ng mga anak.

Hindi ko tanda ang wangis ng panganay nilang anak ngunit alam kong siyam na taon ang tanda nya sakin. Habang pitong taon naman ang bunso. Si Raymond.

Sampung taon ako ng unang magkagusto sa isang lalaki. Bagay na nagpatotoong hindi nga ako tunay na lalaki. Naiilang ako sa tuwing nakikita ang supladong panganay ng mga Montecarlo sa ampunan. Taliwas naman sa bunso nito na laging palangiti at madalas nakikipaglaro sa mga bata.

Maputi si Raymond at may singkit na mata na nawawala sa tuwing sya ay tatawa. Bagay na tiyak ko namana nya sa kanyang magandang ina. Tanda ko pa noon ng una kaming magkadaupang palad.

"You're new here. What's your name?" He was seventeen years old when he first spoke to me.

"Rein" mahina at nahihiyang sabe ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi na batid kong hindi dahil sa init. Kundi dahil sa kung anong nararamdaman ko sa loob ko. Lalo pat nalalanghap ko ang bango nya sa tuwing hahawi ang hangin.

"Nice to meet you Rein. I'm Raymond." nakangiting sabi nito sakin at inalok ang kanyang palad. Segundo ang lumipas na hawak ko ang kanyang kamay ay may pumutol ng aming tinginan. Tinawag sya ng kanyang kuya upang umuwi na.

"Bakla! Space out pa! Andyan na si ma'am! Puro ka kalandian gigigil ako sayo" sabay pitik ng daliri sa aking harapan ni Elisse na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Mayaman si Elisse ngunit minsan ay hindi ko maimagine kung paanong katulad sya ng tagasamin kung magsalita. Babaeng bakla ang bestfriend ko at kung hindi dahil sa magagarang damit ay iisipin mong ordinaryong tao lang ito sa bargas ng pananalita.

"Good morning class. I trust you had a wonderful time last semestral break. My name is Agatha Servantes, your professor for Good Governance and Social Responsibility" pagpapakilala niya sa amin.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now