Kabanata 7

1.5K 88 2
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon, dalawang linggo pa ulit ay midterm na namin sa second semester.

Nabawasan din ang oras ko sa trabaho para narin makatutok sa pag-aaral. Sadyang mabait lang si Ms. Grace na kahit nabawasan ng dalawang oras ang duty ko sa gabi ay hindi nya ito kinakaltas sa aking sweldo.

Nandito padin sa bayan ang magkapatid na Montecarlo. Nandito sa San Vicente ang main office ng MECS ngunit mayroon din silang extension sa Maynila kung kayat sabi sabing nagtutungo ang pamilya doon paminsan minsan para sa pamamahala. Kalat din ang mga planta nila sa Luzon, Visayas at Mindanao

Malungkot na isang beses ko lang muling nakadaupang palad ang bunsong anak ng mag-asawang Montecarlo. Ang sabi ay siya daw ang humahawak nang firm sa Manila habang ang panganay naman ang nandito sa siyudad namin.

Kung kayat nasanay na rin akong madalas itong makita sa trabaho. Minsan ay isang beses o dalawa sa isang linggo ay nagagawi siya sa coffee shop para uminom ng parehas na kape. Magtatagal ng dalawang oras at aalis din dahil sa tawag na natatanggap. Tingin ko ay galing sa opisina, o di kaya'y.. babae.

Hindi na rin nasundan ang pag-uusap namin ngunit madalas kong napupuna ang pagsulyap niya sa akin at panonood sa akin sa tuwing maglilinis, magkakahera at magseserve ng kape. I am conscious whenever he is here but it's much bearable than having a conversation with him. Kahit kinikilig ay may hiya ako noon kay Raymond tuwing nag-uusap kami sa ampunan. Pero siya, ni hindi ko kayang tumitig nang matagal.

"Huwag kang mawawala Rein. Aasahan kita sa darating na linggo. Bibisita ang mag-asawang Montercarlo para sa proyektong expansyon nang ampunan." maamong saad sakin ni Sister Flora, isang gabing tumawag siya sa akin sa cellphone.

Mag-iisang taon na nang maisipan kong bumukod sa ampunan, naisip kong dahil ako ay nasa legal age na, ay hindi na naangkop pa para manatili roon. Maganda rin na nakakuha ako ng trabaho na may sapat na sahod, kaya nakaokupa ako ng maliit na kwarto malapit sa SVU, sa murang halaga. Doon ay natuto akong maging independent at magbudget ng pera, ang allowance na nakukuha ko mula sa scholarship sa school ay para sa aking miscellaneous habang ang sahod ko naman ay para sa gastusin sa apartment, pagkain, pamasahe at hormones.

Simple lang ako at hindi mapaghangad kung kayat masaya akong napagkakasya ang kinikita. Matipid din akong kumain at sa kuryente kaya hindi ko pinoproblema ang mashort sa budget.

Malungkot man ay suportado ako ng mga madre sa ampunan, minsan ay pinapadalhan ako ng allowance ni sister Flora na siya namang binibili ko ng bilaong pancit at mga laruan, para sa bata din sa ampunan.

Gusto kong matutong tumayo sa sariling paa. Kaya hindi ko na nais pa umagaw ng tulong mula kayna sister. Sa susunod na semester ay magoOJT na kami. Plano kong magapply sa MECS ng internship, para narin lalong mapalapit sa anak ng mag-asawa.

HRM ang kinuha ni Elisse dahil narin sa negosyo ng pamilya sa bansa ngunit minsan ay kumukuha ito ng isa o dalawang subjects, para magkasama kami. Sinabe ko naman na kalabisan na ito at maaari naman kaming magkita tuwing lunch break o uwian ngunit mas gusto niya may isang subject na magkaklase kami. Giit niya ay makakatulong din ang HR-related subjects sakanya para sa pamamahala ng kanilang hotel kalaunan.

"Huwag kayo magalala, lola Flora, dadating po ako. Tutulong po ako sa pagluluto at pagaayos." masayang pagsang ayon ko sa matanda

"Naku mabuti naman. Sinabi mo na iyan ha. Nakapagpadala na ng pera ang mag-asawang Ramon at Fely, tinanggihan ko nga ngunit mapilit. Minsan lang daw para sa anibersaryo ng ampunan." balita naman nito sa akin. Naiisip ko palang ay tila para nakong lumulutang sa pagbisita nang magasawang Montecarlo, at sa marahil pagsama ng mga anak.

"Uh lola, sino ho sakanila ang pupunta?" mausisang tanong ko. Umaasang makita ko ulit si kuya Raymond. Excited akong makamusta siya, at makita niya ako ngayon. Matatandaan niya kaya na ako ang cashier sa coffee shop na pinuntahan niya?  Sampung taong gulang ako noon at batid naman ng mga taga-ampunan ang aking kasarian. Ako lang ang batang lalaking laging may suot na headband galing kay mama, at mahilig sa matitingkad na kulay ng sando at shorts.

Magkagayon man ay hindi naman ito naging hadlang upang ako ay pakitunguhan ng mga bata. Lalo na ng bunsong anak ng mayamang pamilya. Laging sumasagi sa isip ko ang sinabe niya saakin noon

"There is nothing wrong if you like your things pink, Rein. Don't worry, next time, I'll buy you a barbie doll. How's that?" cute na sabi nito saakin habang nakangiti ng matamis. Bata pa ako noon ngunit alam kong iba ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing kausap ko siya kumpara kapag nakikipaglaro ako sa mga bata.

"Ang bunsong si Raymond, tingin ko ay susunod. Nasa Maynila daw ng kinumusta ko kay Fely. Pero ang panganay, siguradong dadalo anak." saad ni sister Flora na nagpanumbalik ng aking ulirat

I suddenly felt something in my stomach. I don't know why I'm nervous with the fact that I might see their eldest son again, this time, in the orphanage. May kung ano sakin ang gusto nang umurong sa pag-iisip na itago ang totoong pagkatao. Na ang nakikita niyang nagtatrabaho sa coffee shop ay ang batang lalaking minsan niyang pinapanood sa ampunan.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon