Kabanata 29

1.3K 73 2
                                    

Buong buhay ko, ngayon ko lang ata napagtanto na kaya ko din palang magalit. Na kaya kong maramdaman ang tinatawag nilang poot.

Ilang taon ang nakalipas. Iniwan ako ni papa tapos ngayon ay babalik siya.. at tatawagin akong anak?

"N-nagkakamali po kayo. H-hindi ko kayo kilala.." pagtanggi ko. Halo halong emosyon ang namamayani sa loob ko. May kaba, takot, lungkot at higit sa lahat.. ay galit.

May lungkot sa akin dahil antagal kong hindi nakita si papa. At lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong wala sa akin na nakilala niya ako. Pero dahil iniwan niya ako at pinabayaan, ay mas namayani ang galit at sama ng loob ko.

"Impossible. Kilala kita.. kahit anong pagpapanggap mong babae, ikaw padin iyan! Walang nagbago sa mukha mo!" May diin at nangangatal na sabi nito bago ako hawakan ng mahigpit sa braso.

Agad akong kinilabutan sa sinabi ni papa.

"Ang hirap mong hanapin. Akalain mong nabuhay ka pa pala? At mukhang ang ayos na ayos ng buhay mo dito ah.." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusubukan kong pumiglas sa hawak niya ngunit nananatili siyang matigas. Lumingon ako sa paligid para sana humingi ng tulong ngunit masyadong tahimik ang parteng ito ng kalsada. Kami lang ang taong nandito.

"B-bitawan nyo po ako. Nagkakamali kayo. H-hindi ko kayo kilala-"

"Sinungaling! Anak kita kilala kita! Tulungan moko Rein! Hinahanap kita dito kasi kelangan ko ng pera! Pautangin mo ako!" Mas naging agresibo si papa at hinablot din ang bag na nakasukbit sa balikat ko.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Hindi ko na napigilang sumigaw kahit na alam kong wala namang makakarinig. Naalis sa braso ko ang hawak ni papa pero buong lakas niya ngayong inaagaw sakin ang bag ko. Buong lakas ko ding hinawakan ang handle nito at pilit na hinahablot ang gilid na bahagi pa ng bag ko. Halos hindi ko na siya makilala. Mas umitim siya at mukhang lulong na lulong sa droga. Ang ngiti niya.. ay mala demonyo

Sinubukan ko muling sumigaw ng nakarinig ako ng tila pagkasa ng baril.

"Bibitawan mo siya o papuputukan ko ang bungo mo!"

Sa likod niya ay natanaw ko si Matias na may hawak na baril. May kasunod siyang bodyguard pa ni Rico na tinutukan din si papa ng isa pang baril.

Kita ko ang takot sa mga mata ni papa at agad na binitawan ang bag ko bago kumaripas ng takbo. Mabilis siyang nakaiwas sa paghablot ng kasamang bodyguard ni Matias. Bago makaliko ay lumingon ito sakin na nanlilisik ang mata.

"Ayos ka lang Ms. Silverio?" Agad akong dinaluhan ni Matias at hinawakan ang braso at bag ko.

"Hindi moko matataguan Rein! Babalikan kita! Kailangan ko ang tulong mo!" mabilis itong lumiko sa kabilang kanto ng patuloy siyang hinabol ng isa pang bodyguard.

Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako sa takot. Halos maout of balance ako at napakapit lang sa nakaalalay na braso ni Matias.

"Habulin mo Rob. Iuuwi ko na siya." Narinig kong sigaw ni Matias sa hawak niyang radyo.

Agad niya akong giniya sa SUV at mabilis na pinaandar ito. Tuliro ako at halos hindi gumagana ang isip ko. Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang text iyon ni Elisse na nagsasabing on the way na siya sa coffee shop.

"I'm sorry, engineer. It won't happen again."

Kanina pa may kausap si Matias sa suot niyang bluetooth earpiece. Batid kong si Rico iyon dahil pagkasakay palang namin ay tumawag agad siya para magreport.

"Ligtas siya. Medyo gulat pero wala namang nakuhang gamit. Hindi rin nasugatan. Pasensya na. Hindi na ito mauulit engineer."

Nalasahan ko ang sariling dugo ng hindi ko namalayang madiin pala ang pagkagat ko sa labi ko. Nanginginig padin ako maging sa sasakyan at hindi ko halos matipa ang isasagot kay Elisse.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now