Kabanata 15

1.4K 74 4
                                    

"Whooo! Gosh finally we are done with this semester! I am so excited sa getaway trip niyo! I'll definitely join you guys because deserve ko ng break sa studies ugh!" maarte at may ginhawang sabi ni Elisse

Maging ako man ay natutuwa na nakaraos ang finals. Kampante ako sa grades dahil narin isang linggo akong tutok sa pagrereview para lang maipasa ang exams.

Hindi rin ako nakapasok ng isang linggo sa trabaho. Maswerte talaga ako at nakahanap ng part-timer si Ms. Grace, dahil batid kong pati si Alex ay nagfinals din.

Last semester of taking academic subjects. Next school year ay nakalaan naman para sa internship. Kung kayat grabe nalang ang pagnanais kong makaperfect sa exams pagkat ito ang magsesecure ng latin honor ko.

"I know right. I can recommend a nice beach resort. It was owned by my mom's closest friend. Are you guys in? Why don't we all celebrate?" Excited namang sabi ni Jocelyn

"Of course I'm in! Perfect na summer vacay! Marami akong biniling swimsuits online. Let's g!!!" Pagsangayon naman ni Cristine

Narinig ko naman na sasama din ang iba. Ang mga lalaki sa bandang likod ng classroom ay malakas na naguusap at kung paanong makakakita sila ng mga babaeng nakabikini

Napailing nalang ako sa napangisi. Masaya sa klase namin. Hindi man ako close sa lahat ay civil naman sila at mabuti kung makitungo. Mayroong likas na maarte at masusungit dahil narin sa estado ng buhay ngunit magkagayon pa man ay maayos ang turingan namin.

Block section kami for the last three years in college. Mayroon ding mga irregular students katulad nina Elisse na kumukuha lang ng subjects sa kurso ko. Dinig kong maging sila ay inimbita ng mga kaklase at magiliw naman na pumayag pagkat maluwag na sa iba nilang major subjects. At alam kong maghihiwa hiwalay kami ng landas oras na magkanya kanya kami sa internship namin.

"So, sasama ka? Your blockmates have a vacation plan. Let's go? Isasama ko si Amer" nakangiting aya sakin ni Elisse

"Hindi ko pa alam Elisse. Babawi ako sa trabaho. Isang linggo akong lumiban para makafocus sa exams" sabi ko habang isa isa nang tinatago ang mga filler sa bag. May isang oras pa pero maaga nang umalis si Ms. Servantes dahil tapos na ang exam week. Next week ang release ng grades at maaccess naman yun sa portal. Bakasyon na kami!

I heared her groaned at pilit akong niyugyog na akala mo ay matatauhan "Bakla! Amana! Amana yan! Bakasyon na! Matuto kang mag enjoy! Aba buong college days mo puro ka trabaho at pag-aaral" maarteng sabi nito

"Right. You should join us, Rein" Jocelyn genuinely smiled. Inaya din ako ni Cristine at ni Jazmine na nasa likuran namin

"Oo nga. Sama ka Rein tapos magbikini ka din" patuyang sabi ni Allan na binatukan naman ng katabi

"Tumigil ka! Yang kamanyakan mo ha!" Sabi ni France. President namin

"See? Are you going to waste this opportunity na magenjoy? I'm not going to question your academics dahil alam kong magaling ka. But you having this chance to enjoy while studying? ang saya kaya magcollege!" Irap na sabat ni Elisse

"F-fine. Magpapaalam ako kay Ms. Grace" pagsang ayon ko nalang

Tila nabingi naman ako sa hiyawan ng mga kaklaseng malapit sa pwesto ko na nakarinig. Excited na excited lumangoy? Mga isda ba kayo?

Wala sa sarili akong napatingin sa love bangle na nakasuot sa kanang pulsuhan ko at napangiti. Rico gave this to me four nights ago.

"Hmmm. I just want to give it to you. Is something wrong? May.. magagalit ba?" Madilim na tanong niya sa akin habang marahang isinususi sa kamay ko ang bracelet.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя