Kabanata 17

1.4K 85 14
                                    

"Ugh! My butt hurts! Anlala ng biyahe natin. I told you guys we should just book a flight! My dad can pull some strings so we could all be together" pagmamaktol ni Aya

Nakarating na kami sa resort na inarkila ng mommy ni Jocelyn para sa aming magkakaklase. Higit bente kami at umokupa ng halos tatlong van na bumyahe ng siyam na oras

"I know right. Deserve kong magout of town. Pero hindi ang mapudpod ang puwit sa pakahabang biyahe na yan. Gosh!" My best friend echoed the distress of my rich classmates na akala mo mamamatay sa ilang oras na biyahe

Elisse encircled her arms on mine and sweetly smiled. She is so bubbly today and somehow radiates the positive energy to the rest

"We will celebrate your birthday here. We should drink till dawn!" Aya nito. Sa likod niya ay lumabas si Amer na swabeng swabe ang dating sa puting summer polo na bukas ang halos kalahati ng butones. Nakashades din ito na itim katulad ng kay Elisse

"Elisse. Alam mong ayaw ko na ng ganon. Lalo pa't hindi naman ganung maganda ang naging experience ko sa alak" hindi ko ata kakayaning malasing ulit. At isa pa.. ayaw din ni Rico na umiinom ako

Naging busy ang linggong ito para sakanya. At gaya ng inaasahan ko, ay tuwing gabi lang kami nakakapag-usap. Nagvivideocall siya na tinataon niya sa oras na nakauwi na ako ng dorm. Bantay niya ang oras ng uwi at kain ko sa gabi dahil hatid sundo ako ni Matias.

Gusto kong tumanggi ngunit wala din akong nagawa. Naiilang man ay unti unti nakong nasasanay. Pinatatago ko nga lang ang SUV nila sa likod banda ng coffee shop. Ayoko din na susunduin ako sa eskwela. Sa takot na umani ng atensyon at usapin

"Happy birthday anak. Proud na proud ako sa iyo. Malungkot dahil di ka namin makakasama ngayon, ngunit gusto ko na mag-enjoy ka kasama naman ang iyong mga kaklase. Gusto ko na enjoyin mo ang buhay mo ng malaya at di lagi nakabantay sa amin" mahabang litanya ni lola Flora ng tawagan niya ako kaninang umaga

"Salamat po Lola Flora. Huwag kayong mag-alala dahil babawi po ako sainyo. At namimiss ko na din ang mga bata sa ampunan, sa sahod po ay magdadala ako ng bilaong spaghetti at friend chicken para sa kanila". Naiiyak na sabi ko. Iniwan man ako ni papa, ay kailanman diko naranasan ang pagkukulang ng pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang. Utang na loob ko kay lola at sa lahat ng sumusuporta sa Angel Haven kung nasaan ako ngayon.

"Naku aasahan ko yan ha hija? Sasabihan ko na ang mga bata. Abay si Angelo madalas magmaktol dahil hindi kana daw nakikita. Paniguradong matutuwa ang mga iyon"

Natawa naman ako sa binalita ni lola Flora

"Oh siya sige na. Mag-iingat ka Rein ha. Ingatan mo ang mga gamit mo. At huwag kang lalayo kay Elisse. Ito ang unang pagkakataon na bbyahe ka ng malayo"

"Magandang hapon po. Welcome po sa Camayan Beach Resort! This way po, check in na po tayo para makapagpahinga kayo"

Giniya kami ng receptionist na sumalubong samin at binigyan kami isa isa ng complimentary drink ng makarating sa lobby. Tatlo hanggang apat na tao ang kayang magkasya sa kwarto na naarkila namin. Ang mga lalaking kaklase ay sama sama sa tabi tabing kwarto habang ganun naman din ang mga babae. Ako at si Elisse ang magkasama pati nadin si Amer sa isang kwarto

Each rooms have 3 single beds and 1 extra bed. Elisse requested to change the 2 single beds to a double bed para tabi sila ni Amer. Ako naman ay sa isang single bed malapit sa bintana, sa tapat ko ang isang extra single mattress na hindi na pinaalis ni Elisse. Aniya ay pwede itong maging sofa namin dahil ayaw niyang umupo sa sofa na yari sa kahoy. Aniya ay magsusugat daw ang puwit niya doon.

Alas singko na ng makarating kami ng Camayan. Nag ambagan lang kami ng 3K per head. Hanggang linggo kami ng umaga mananatili rito at sa kalidad ng resort na ito ay alam kong kulang ay bayad na iyon sumatotal para sa aming lahat. Maswerte lang at kakilala ng mommy ni Jocelyn ang mag-ari at nakakuha kami ng discount. Iyon nga lang, breakfast buffet lang ang libre, kami ang bahalang magbayad ng pananghalian at hapunan namin. Ganun na din ang mga alak na iinumin nila

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now