Kabanata 20

1.5K 72 6
                                    

At inalmusal ko na nga ang litanya ni Elisse. Hindi natitigil ang pagsasalita niya at halos siya na nadin ang sumasagot sa mga tinatanong niya.

Nakaligo na silang magjowa ng makabalik ako ng kwarto. Kaya habang naliligo ako ay hindi natitigil ang pagtalak niya sa labas ng banyo.

"I don't understand why you can't talk to me about him. It's not that I will judge you if hindi na tipo ni Raymond ang gusto mo, that's completely normal! People do change! And so as our perspective and preference in life!" Di natatapos na parangal nito sakin habang nakaupo sa harap ng vanity mirror at kinukulot ang dulo ng buhok niya

Nakaupo ako sa kama ko at nagpapahid ng lotion sa binti. Hindi ako komportableng sumagot kay Elisse lalo pat- andito si Amer na tahimik na nagkakape at nagtitipa sa laptop niya. Pasimple siyang sumulyap sakin na tila nahihiwagaan ng banggitin ni Elisse ang pangalan ng kapatid ni Rico.

"May tamang panahon para diyan, Elisse. Aaminin ko na.." naiilang na sabi sa kaibigang hindi ako madapuan ng tingin kakaayos sa mukha "I am seeing someone. But.. it's uhh.. complicated" hindi ko alam kung tama bang ituloy ko ang huling sinabi nang makitang nakamasid muli si Amer sakin. Na pinapanood ang bawat galaw ko

Masaya ako at tahimik lang siya sa nakita. Hindi rin naman ugali ni Amer na mangusisa sa pinaguusapan at mga ginagawa namin magbestfriend pero, ang hindi niya ito sabihin sa girlfriend niyang halos mamatay na kakaisip kung sino ang kasama ko, ay napakalaking bagay sakin.

Hindi ko ata makakayang ipaliwanag ng ganito kaaga kung bakit may ganito sa amin ni Rico. Buong college years namin ay alam niyang si Raymond ang gusto ko.

At oo.. siya naman.. ang gusto ko

Siya nga ba? Bakit tila iba naman ang sinasabi ng mga ginagawa ko nitong nakaraan?

Magkakatabi kaming kumakain sa isang mahabang buffet table na sapat ang laki para magkasya kaming halos bente kataong magkakaklase. Ang iba ay halos di maubos ang kwento sa naging inuman kagabi at ang iba naman ay nagrereklamo na masakit ang ulo

Think of it. Hindi ganung sumakit ang ulo ko kahit na lasing na lasing ako kagabi. Siguro ay unti unti nakong nasasanay na uminom. O nakatulong din ang hot cholocate na inorder ko kagabi?

"Are you sure you are going to be full with just rice and egg? It's free Rein kaya hindi mo kailangang magtipid. And it's on me if kakain tayo ng lunch at dinner." Mahinang bulong sakin ni Elisse. Alam niyang naiilang akong makibagay sa mga kaklaseng mayayaman kaya madalas niya akong nililibre para lang di ako mailang na magtipid na harap ng madami. Hindi naman masama iyon ngunit nagpapasalamat padin ako na may mayaman akong kaibigan na hindi matapobre.

Sasagot na sana ako ng may lumapit na waiter sa tabi ko. May dala itong isang tray na may lamang plato ng sliced fruits, at isa pang plato para sa tila rice meal na hindi naman kasama sa inooffer sa breakfast buffet.

"Good Morning, Ms. Silverio, your breakfast po ma'am" magalang na ngumiti ito at umambang ilalapag ang pagkain sa harap ko

"Ah kuya sandali! H-hindi po ako umorder! Ahm.. libre po ang breakfast hindi ba? Kumuha po ako doon?" Turo ko naman sa buffet table

Narinig kong nagsimulang umisyoso ang mga kalapit na kaklaseng nakarinig sa usapan namin ng waiter. Maging sila ay nagtataka na may ganito.

"Ahh-" napakamot sa ulo ang waiter at lumingon sa kung saan "it's on the house po ma'am eh" sabi nito at pilit na nilalatag ang mga plato

"Pero kuya hindi po kasi ako umorder at may break-"

"Ma'am sige na po. Kailangan nyo po.. kasi itong kunin. Hehe wala naman po itong bayad promise. Libre po ang breakfast" halos humihinang bulong nito dahil narin sa mga kaklaseng interesado sa kaparehong pagkain na binibigay sakin

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now