Kabanata 9

1.3K 84 6
                                    

I heard sir Ramon laugh beside his wife who then approach the sister and held her hand "We don't mind lola Flora for we must apologize for coming late. Nagutom na tuloy sila kahihintay" sabi naman ng ma'am Felicia

"Right! Right! I had an urgent meeting so I tried to finish it as soon as possible" paliwanag naman ni sir Ramon

"Naku kung gayon ay halina at kumain na kayo. Alam kong di pa kayo kumakain, pagpasensyahan nyo na ang munting handa namin. Maraming salamat, Fely sa walang sawang pagsuporta sa amin" si lola Flora na hawak ang kamay ng ginang

Isa isang bumati ang mga bata na nagpangiti sa mag-asawang Montecarlo. Ang ilan ay may laman pa ang bibig ngunit bumabati na siya namang sinaway ng mga madre

Kami namang mga katulong sa paghahanda ay nasa likod ng lamesa para sa pag seserve ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako at tila ayaw makita ng mag-asawa. Napasulyap din ako sa labas sa pag-asang nandito na ang kanilang anak.

"Kamusta na ang magkapatid? Balita ko ay tumutulong na daw sainyo sa pamamahala?" Tanong ni lola Flora sa mag-asawa habang siya mismo ang sumasandok ng kakainin nila

"It's high time for my sons to get on their hands with the business. Raymond is managing the extension of the firm in Manila while my eldest will be here with me, to oversee MECS." pormal na sabi ng Don

"My husband is not getting any younger, lola. I am even encouraging my sons to be married. Para naman mayroon akong pagkakaabalahan sa bahay" dagdag naman ng asawa

Natawa si lola Flora "Irereto mo naba ang magkapatid Fely? Abay kegagwapo ng inyong anak. Kahit sino sa mayamang pamilya sa San Vicente ay mahuhumaling" tukso naman ng matanda

"I am not pressuring my sons to hurry and get married but I think I love the idea of indulging my wife. Bagong pagkakaabahalan ang pagaalaga ng apo" natatawang sabi naman ni Sir Ramon

I felt a lump on my throat. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa pinaguusapan nila. Napunta sa harap ko si Mrs. Montecarlo at sinuri ang mga ulam. Napaangat ang tingin nya sakin at matamis na ngumit

"Hi. Did you cook these?" maamong tanong nito

"Good afternoon po Mrs. Montecarlo, opo tumulong po ako sa pagluluto maging nang spaghetti" nakatungong banggit ko

"Wow. It looks delicious. I really love home-cooked meals" puri naman nito sabay sandok ng caldereta sakanyang paper plate

I am smiling all ears as I thought of how I pleased Raymond's mother with my cooking. Hindi pa nakakaupo ay tumusok na ng tinidor sa karne at napatango tango pa habang tinitikman ito

May hinandang bukod na lamesa para pamilyang panauhin. Napatingin ako sa labas nang mamataan ang black Maserati sedan na pumarada. Nagsimulang tumambol ang puso ko sa di malamang dahilan.

Rico arrived and went straight to the main hall. Wearing a formal white long sleeves and loosen his 3 buttons, black slacks and his brown leather belt. Naka black shoes din ito katulad ng sa ama. I must say he looks good wearing formal attires. Nakabrush up din ang buhok nito na mas nagpatingkad ng features ng mukha kumpara kung wala itong ayos kapag nakacasual na damit sa coffee shop. Agad itong lumapit sa mga magulang

"Oh si Rico" puna nang ina na tumabi sa anak. Rico bent down to kiss his mother's cheek.

"Kamusta hijo, balita ko ay inirereto kana raw?" pagbati naman ni lola Flora

Rico found my eyes from the crowd as I am unconsciously starting at him. I immediately looked away and tried to move some bowl. Kunwari ay may inaayos sa mesang maayos na nakalapag ang mga pagkain.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now