Kabanata 34

1.1K 64 16
                                    

"Woah. You.. live here?" Tanong ni Kenneth ng makapasok siya ng tower at ibaba niya ako sa parking ng kinatitirikan ng penthouse ni Rico.

Marahil ay nagtataka siya na kung paanong ang scholar na tulad ko ay kayang umupa sa building na to na tinutuluyan ng mga may kayang pamilya sa San Vicente.

Tuliro padin ako pero kumalma na ako sa pag iyak. Hindi alam ni Matias na uuwi ako at hindi ko alam kung nasa taas ba siya. Dahil sa takot ay agad akong napalingon sa paligid. Walang katao tao bukod sa security na nakastation malapit sa elevator. Hindi ako mapakali at dagdag pa na masakit ang katawan ko na nagpalala ng takot ko na para bang may hihila ulit sakin sa malayo.

"Are you okay? Can you tell me what happened?" Nabaling ako kay Kenneth at bahagyang napakibot ng hawakan niya ako sa braso.

He sighed and he looked at me with worried eyes. "It's me. You're safe, Ulan. Sasamahan na kita umakyat."

Hihilahin na sana niya ako paelevator pero agad akong nagpapigil.

"H-hindi na.. salamat Kenneth... okay na ako d-dito... kaya ko na.. u-umakyat." Awat ko sakanya na hilahin ako

"Are you sure? Pwede kita samahan hanggang sa unit mo Rein. Halika." Pilit niya at muli sana akong hahawakan sa braso ng takot akong umatras. Hindi ko ata kaya na mahawakan ngayon ng kahit sino.

"H-hindi na talaga Ken.. salamat pero kaya ko na.. isa pa ayaw ko na din.. makaabala. Para maaga kana din makauwi." Muli kong pagtanggi

Muli siyang bumuntong hininga "Alright. I'll see you tomorrow then?" He asked.

"O-oo. P-papasok naman ako bukas. Pasensya kana. Sa susunod nalang siguro tayo mamili. Salamat ulit sa paghatid. Ingat ka pauwi."

"Walang anuman Ulan. Ingat ka. Sa susunod ka nalang bumawi sakin." Ngiti niya at pinatunog na ang susi ng sasakyan.

Hindi ko na siya hinintay at nagpaalam nako na aakyat na bago pa siya makasakay ng sasakyan. Hindi ko ata maaatim na maiwan magisa doon at maghihintay na umalis siya.

Pagtunog ng elevator ay dumiretso nako sa malawak na sala ng penthouse ni Rico. Alerto si Matias dahil agad ko siyang nakita na humahangos na tumakbo para sana tignan kung sino ang nagbukas ng pinto.

"Rein? Anong nangyari? Akala ko may lakad ka?" Nalilitong tanong nito.

Gusto ko sanang maiyak ulit at magsumbong pero pinili kong kontrolin ang emosyon ko. Simple lang akong ngumiti at umiling sakanya. Wala akong pagsasabihan. Ayokong may iba pang madamay. Kahit kay Elisse.. hindi ko din ito sasabihin.

"H-hindi po kami natuloy. Sa.. s-susunod nalang daw po kami aalis. K-kaya umuwi.. na po ako."

"May nangyari ba? Sana ay nagsabi ka para nasundo kita agad." Bahagya siyang humakbang palapit para silipin kung ayos ba ako

"W-wala naman po kuya. Sa.. kwarto lang po ako.. m-magpapahinga." Paalam ko at iniwas ang tingin.. sa takot na mahalata niya ang namumugtong mata ko

"Sige. Magpahinga kana muna. Asa may kusina lang ako. Dadating na si chef Ross maya maya kaya magsabi ka lang kung may kailangan ka ha.."

"Sige po. T-thank you.. kuya" agad akong tumalikod at mabilis na lumakad patungo sa kwarto ni Rico.

Pagkalock ko ng pinto ay mabagal akong naglakad hanggang sa makaupo ako sa kama. Hindi ko napigilan ang muling umiyak at mahinang humikbi

Kasalanan ko ito. Kung sana ay hindi ko pinilit si Matias na umuwi.. sana ay may kasama ako. Hindi sana ako mahahanap ni papa. Sana ay hindi ko mararanasan ang pangyayaring iyon.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now