Kabanata 23

1.4K 64 8
                                    

Rico kept his distance in accordance to our agreement. If he wanted to talk to me or say something, he'll do it via SMS.

Natapos kaming mananghalian at ang iba ay nagsipaglaro na ulit, habang ako ay tumutulong maghugas sa kusina.

"Tama na iyan, anak. Hindi kita pinauwi dito para tumulong sa mga gawain." halos mayat mayang saway sakin ni Lola Flora.

"Ayos lang po ako la.  Isa pa, ako din ang nagdala ng hugasin kaya dapat lang tumulong ako sa paglilinis." natatawa kong sagot dito

"Haynako ewan ko ba dito kay Rein, nay. Pinapabalik ko dun sa veranda kasama ng mga bata pero puro mamaya ng mamaya." gatong naman ni ate Tess.

Narinig ko pa ang ilang tawa ng tagaampunan. Napailing nalang si lola Flora at muling lumabas ng kusina. Madalas ay kung stress ako sa school o sa trabaho, ay umuuwi ako dito sa Angel Haven, para magdala ng pagkain o di kaya tumulong sa paglilinis. Nakakarelax ito ng isipan at dahil abala nga ako sa gawain, ay panandalian kong nakakalimutan paminsan minsan ang ilang problema. Dito sa ampunan, ang iisipin mo lang ay kung ano ang sunod mong gagawin pagkatapos ng nauna.

Masyadong malaki ang utang na loob namin sa pamilya Montecarlo, na siyang halos tumayong haligi ng ampunan. Lahat ng pangangailangan ng mga bata ay sinisiguro nilang napupunan. Isa din sila sa mga nakakatulong humanap ng mabuting pamilya na interesadong magkupkop sa mga batang pinabayaan na ng kaninang mga magulang. At sa pag-aaral, ay mayroon silang allowance mula elementary hanggang senior high school sa pambublikong paaralan, at scholarship naman sa San Vicente University pagtungtong ng kolehiyo.

"Ate Rein. Ate Rein!" Kalabit sakin ni Anna, eight years old at masiyahing bata.

"Hello. Ano iyon Anna?" Nakahawak ito sa dulo ng damit ko.

"Si Ronan po, tinutukso ako." pagsusumbong niyo. Lihim naman akong napangiti at napasulyap sa bata sa harapan na nanonood sakanya. Hindi din maiiwasan ang mga tuksuhan ang awayan sa mga bata, kung kayat minsan ay sumasakit din ang ulo ni Lola Flora at ng ibang katiwala sa pananaway.

Lumuhod ako at humarap sakanya upang punasan ang namuong luha. "Hmm. Anong nangyari Anna?"

"Papansin yan si Ronan ate Rein! Palibhasa di yan pinapansin ni Anna kaya lagi yan nang aasar. Kamukha niya daw yung tutubi dun sa hardin. Payatot na mahilig sa bulaklak sabi niya po nadinig ko!" malachismosang sumbong naman ni Jenny.

Gusto ko man matawa ay pinigilan ang sarili, sa takot na din na lalong sumama ang loob ng bata. Inalo ko ito ay hinawakan sa likod.

"Hmm. Huwag kang maniniwala sa isang iyon. Maganda ka Anna. Ano ba ang nangyari para asarin ka nito? May ginawa kaba?"

Hindi sumagot ang bata at nakayuko lang itong nakahawak sa braso ko. Napasulyap ako sa gawi nina Ronan sa hardin kung saan nandun din si Elias at si Angelo...kasama si Rico, na pinapanood kami sa may veranda.

Kinakabahan man sa presensya niya ay tumayo ako upang resolbahin ang alitan. "Dito ka lang, Anna. Si ate Rein na ang bahala ha? Huwag na kang umiyak."

Doon ay nakita kong nakaluhod din si Rico para kausapin si Ronan, tila pinagsasabihan ito sa nangyari ngunit ang mata niya ay hindi umalis sa akin hanggang sa makalapit ako.

Yumuko din ako para dungawin ang batang nakanguso. Napangiti ako. "Ronan, bakit mo naman tinutukso si Anna?" nagaalalang tanong ko dito.

"Eh kasi po, binigyan ko siya ng bulaklak na pinitas ko sa hardin, tapos ayaw niya kunin. Iyon pala, pipitas din siya ng kaparehong bulaklak edi sana kinuha niya nalang yung akin!" pagmamaktol naman nito. Tila hindi ko alam ang isasagot ngunit parang nahuhulaan ko na ang nangyayari

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now