Kabanata 39

1.1K 69 15
                                    

"Give me your number." Sean demanded.

"Bakit po? Hindi naman-"

"You agreed to go on a date with me. It's my only way to contact you." Sabi niya sabay lahad ng mamahaling phone sa harap ko.

"Pwede mo naman po akong puntahan dito-"

"Drop the po. I'm just three years older than you. I want your number, Ria, so I can contact you and pick you up on your place. Not here in the club." He stared at me intently. Pasimple kong inusod ang kamay niyang nakapahinga sa hita ko.

I sighed. May punto naman siya. Tinitigan ko ang cellphone na nilahad sa hita ko.

He chuckled "Don't worry. Hindi naman kita kukulitin. I just want to contact you for the time and place of our date."

Sa huli, binigay ko parin ang numero ko. Ngiting ngiti ang huli ng tinago ang cellphone sa bulsa at tinuloy ang paginom.

Mag aalas tres pasado na natapos ang party. Lasing na ako at hilong hilo pero nakakaya ko ng kontrolin ang balanse ko. Nakakalakad parin ako at nakakakita ng tuwid.

Isa isa ng nagisuwian ang mga guests. Naunang umalis ang mga may edad na, sunod sunod naman ang mga barkada ni Sean na isa isa ding nauwi ang mga katrabaho ko.

Pagod at hilo na ako kaya hindi ko alam kung kakayanin kong maglinis mag-isa. Abat pati mga katrabaho kong closer e wala na. Mga hayup! Pagagalitan kaming lahat ni madame nito!

"I'll take you home, Ria." Si Sean na sumunod sakin ng makalabas ako ng locker pagkatapos kong magpalit. Tumagal ako ng trenta minutos dahil duling na duling akong alisin ang tali ng suot kong uniform sa likod.

Mga security nalang ang natira sa club at mukhang tulog na ang boss namin. Si Sean nalang ang naiwan na suray suray sa labas kasama ang mga bodyguards niya.

"Hindi na po sir. Kaya ko pong umuwi. Paumaga na din naman." Paalam ko at nagsimulang lumakad ng mabagal

"Why the sir? I thought we are going to date na?" Nangingising sabi nito. Lasing na lasing ang loko at inalalayan pa ng isang kasama.

"Lasing na po kayo. Mabuti pa ay umuwi na po kayo. Kaya ko na po ang sarili ko." I can't believe I can talk this straight despite the throbbing headache. Shuta hindi pa ko nakakatulog hina hangover na ako agad. Advance!

"No! I'll give you a ride home. You get off me fucker!" Piglas niya sa bodyguard at muling humarap sakin. Mabilis itong humakbang kahit nageekis ang paa. Nasalo ko siya ng muntik siyang masubsob. Diyos ko. Ang bigat nito at ako pa talaga ang sasalo ha. Parang lalo akong malalasing.

"Please let me. Ihahatid ka lang namin. Gusto ko lang.. makasiguro na safe ka." Nakapikit na ang isang mata at ngiting ngiting tumingala sakin ang huli.

Wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon. Binuhat siya ng butler niya at sinakay sa puting SUV. Ang mga butler niya ay naka convoy samin habang ang isa nasa passenger seat katabi ng driver. Nasa likod ako katabi ng lalaking tulog na at naghihilik pa.

Muntik na akong hilahin ng antok dahil sa lamig at bango ng car diffuser. Mabuti nalang ay di ganung malayo ang apartment ko kaya mabilis naming natunton. Hindi ko na ginising si Sean at nagpaalam na sa driver at bodyguard niya matapos magpasalamat.

"Salamat din po ma'am. Ingat po kayo. Una na kami." Paalam ng driver niya bago itinaas ang bintana.

Halos hilingin ko na matanggal ang ulo ko sa sobrang sakit ng magising ako ng pasado alas dose ng tanghali. Ni hindi na ako nakaligo at nakapagpalit at nakatulog na kayakap ang bag ko. Shit! Ngayon nalang ako ulit nakainom ng ganito kalala.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now