Kabanata 42

1.2K 79 19
                                    

Sobrang lakas ng pagtambol ng puso ko ng mabasa ang pangalan at ang pamilyar na sulat kamay. Ganoong ganoon ang sulat niya at paraan niya ng pagpirma! Hindi ako maaaring magkamali! Ganoon ang estilo noon.. magkaiba lang dahil.. second name at middle name niya ang nasa pirma! Hindi Montecarlo!

Ayokong mag-assume, pero hindi ko din kasi alam kung may ibang tao ba na totoong Adrian Alonzo ang pangalan at kung dito ba sa Pilipinas naninirahan. Kaya hindi ko maiwasang isipin.. na ang engineer na ito.. at ang lalaking mahal ko ay iisa.

How? How did he find me here? If this is really you... why? Why did you come here? Why did you... pay me a million... for a night? What's that for?

Marina is right. His mother's family tree is known within the region, not just in Antique, for they are exporting different food crops to the nearby cities and provinces as it is one of the main sources of living here in Antique. Alonzo clan is one of the wealthiest families in the land and owns hundreds of hectares that's been expanded through generations. That's what I remember Rico told me when I asked him about it before. They are families with old money.

Dito ko piniling magtago noon dahil alam kong hindi niya maiiisip na dito ako pupunta. Tingin ko noon ay maiisip niya lang na sa Manila ako pupunta, o sa ibang lugar sa Luzon. Malayo ito sa San Vicente, at hindi na raw siya nakakapunta dito sabi niya.

Ang mommy niya naman, dahil abala na din sa charity works at events, kung hindi isang beses isang taon, ay hindi talaga nabibisita ang hacienda nila dito kaya puro katiwala nalang. Tuloy parin ang anihan ng iba't ibang produkto sa ilang daang ektaryang lupain na pag-aari ng pamilya ng mommy niya, hindi ko nga lang alam kung nasusubaybayan paba nila iyon. At kung sakaling.. bumisita naman sila dito.. ay malayo ang lugar na pinagtatrabahuhan ko, sa tanda kong lugar na kinatitirikan ng manor nila.

Sa kabilang dulo pa ng lalawigan madalas na nakatirik ang tirahan ng mga mayayamang pamilya dito sa Antique dahil andun din naman ang mga lupain ng iba't ibang pananim gaya ng bigas, buko, saging, mais at iba pa. Dito sa parteng to ng San Jose de Buenavista, ay medyo sibilisado at puro building halos ang nakatirik. Kaya kampante ako na di rin magkukrus ang landas namin.. halimbawa ngang umuwi sila dito paminsan minsan.

Tama din naman ang desisyon ko.. dahil sa loob ng dalawang taon ay namuhay ako dito ng tahimik. Na hindi sila nakikita. Pero ngayon.. anong mali? Kung talagang siya to.. paano niya ako nahanap?

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Labis ang paghuhuramentado ng puso ko. May pait na dumaan sakin dahil nagbabayad pala siya ng ganitong halaga.. para sa mga babae, o trans. Pero sabi ni madame, hindi niya pinili sina Myca o ang iba pa. Ako ang pinili niya. At sa nakaprint na 2x2 ko sa document, imposibleng di niya ako makilala. Akong ako itong nasa picture, nagiba lang ang hairstyle dahil may bangs nako.

"Rein! Ano ba nakikinig kaba?!"

Napabalikwas ako sa pagtawag sakin ni madame. Humigpit ang kapit ko sa papel at mabilis na nilingon siya.

"Ano? Wag mo sabihing tatanggi ka? Hindi biro ang isang milyon sa panahon ngayon! Lalo pa't kailangang kailangan mo ng pera. Pirmahan mo na ng maipadala ko!"

"N-nakausap nyo ho.. madame? I-itong kliyente?" Umurong ang luha ko at binalot nalang ako ng kaba sa naiisip.

"Oo nga! Kung ako sayo, huwag kanang tumanggi. Hindi pa ganun katanda iyan at sa itsura niya, gwapo at matikas pa. Huwag kang umarte na kala mo may puke kana. Aba sa lahat ng bata ko dito ikaw ang kauna unahang mababayaran ng ganyan kalaki. Sinasabi ko na nga ba at tama ako.. itong trabahong to ang magaahon sayo. Galante to, halos kalahati nga ng ibabayad sayo ang ihuhulog niya para sakin."

"B-bakit daw ho ako? M-may sinabi ho ba.. siya?"

Kita ko ang pagkalito at inis sa mukha ni madame na para bang tangang tanga siya sa tanong ko.

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now