Kabanata 5

1.5K 98 2
                                    

Dumating ang araw ng pista. Isang linggo akong hindi mapakali at madalas natutulala. I don't know what's happening to me.

I am happy to see him again. Raymond even thanked me again and complimented our drinks before they went out of the coffee shop. While his sturdy brother just walked out without even glancing at me.

Weird. Sobrang weird para tumambol ang puso ko sa panganay na anak ng mga Montecarlo. Something that I have never experienced before. Marahil ay sa takot at possibleng panghuhusga. Kung di ako nagkakamali ay halos mandiri sakin ang kuya ni Raymond nang titignan nya ako isang linggo ang nakalipas.

"Haay. Buti natapos din. Anlakas naman magpaquiz ni Ms. Servantes ng end of week pucha alam naman nyang fiesta. Parang dinikdik ang utak ko sis!" eksaheradang komento ng katabi ko.

"Kung nag-aral ka sana, Elisse, at hindi puro pagvvideo call kay Amer ay sana hindi ka naaning sa quiz" panunuya ko sa kaibigan

"Ay.. ay wow. Says the tranene na parang naglalapot ang puwit sa sobrang pagnanasa kay Raymond at sa kuya nya" Elisse looked offended but still has her smirk while mocking me.

Anong sinasabe nito

"Huh? Hoy ang bastos mo anon-"

"Amacana akla. Di mo ba narinig yang kwento mo sakin? I thought you have a crush on Raymond? Then what's with his brother?" usisa nito na nanliliit ang mata. 4:30PM na at naglalakad kami palabas ng campus dahil gusto nyang isama ako sa condo nya. Pumayag ang parents nya na magstay sya sa labas until 10PM basta magkasama kami at hindi kami aalis ng bayan.

"Hindi ko alam ang sinasabe mo Elisse. Crush ko si Raymond oo, pero please wag mo gawing big deal. At ang kuya nya, nakakatakot. Ni halos mandiri nga ata sakin yun ng nakita ako sa coffee shop kaya pano mo sasabihing nagnanasa ako sakanya!!!"

"Whatever virgin baklush. I just don't believe your accusation about him being transphobic. Nabalitaan mo naman siguro ang dinaluhan nilang LGBT event last year hindi ba? Hindi nun maaatim na irepresenta ang pamilya kung homo slash transphobic ang otoko gets mo bhie?" Pairap na sabe ni Elisse at sumakay na sa SUV. Sinundo siya ni Mang Andoy at susunduin ako mamayang alas sais sa coffee shop para sabay kaming ihahatid bayan para manood ng mga ganap.

"Are you sure na ayaw mong sumama sa condo? Para makapagayos ka. Halos same lang tayo ng katawan kaya pwede mo hiramin ang dress ko" pangungulit ni Elisse at nakadungaw sa bintana ng sasakyan

"Kailangan ako sa shop Elisse. Buti nga at pumayag na ang manager ko na hanggang alas sais lang ako. At hindi ko naman kailangan mag-ayos, sa bayan lang tayo pupunta" dismissing her invitation

"You know what, sometimes I am doubting if you really are a transgender. Baka naman confuse kapa akla? Ikaw lang ang traneneng kilala ko na walang kaamor amor magaayos sa katawan. You are not naman dugyot but you know, ay nako bahala ka magbabaon ako ng dress mamaya sa car kana magpalit. Byee!" Kaway nito at sabay alis ng sasakyan.

Napailing ako at kumaway nalang din

Magaalas sais na at nagiintay nalang ako ng sundo. Mabuti nalang din at madalang ang customers, naglilinis sa likod si Alex habang nagmmop naman ako ng sahig ng narinig kong bumukas ang pintuan ng shop

"Good eveni-" nabitin ang pagbati ko ng nakaharap ko ang panganay na anak ng pamilya Montecarlo. He is wearning a blue lacoste poloshirt and a khaki pants with brown leather belt and shoes. He looks... he looks dashing

"Uh... Good evening sir! Excuse me for a second. I'll take your o-order po" natataranta kong takbo sa likod at sinoli ang map bago nagpunas ng kamay sa apron at lumabas sa counter.

Tahimik siyang nakamasid at pinapanood ang galaw ko. Wala nang tao at nauna nang umalis si Ms. Grace at Bea kaya kami nalang ni Alex ang natira.

"Uhh-"

"I'll have an iced americano to go please" sabi sa malalim na boses.

"S-sure sir. A-anything else?" Umiling ito at inabot ang black card. Tila may kuryenteng dumaan sakin ng mahagip ko ang daliri nya. Dali dali ko itong inswipe at nilapag sa counter sa tapat nya. Kunot ang noo nya ng pinapanood akong tumalikod at nagpagawa ng kape ng Alex

"Ah lex, isang iced americano to go" nagtatakang lumingon ito sakin na nakagayak na at paalis.

"Huh? May customer pa? Ilagay mo na ang closed sign Rein magsasara na tayo" na batid kong narinig niya dahil kami lang tatlo ang nasa shop

Napasulyap ako sa gilid at nakitang nagaabang ito at nakataas ang kilay. Hay, bakit ba kasi diko nilagay ang signboard.

"A-ah pasensya na lex nalimutan ko. Isa lang naman to tas alis na tayo"

Ngumisi ito sakin at kumuha ng baso "Ayos lang basta ikaw. Gusto mo ba date tayo sa bayan? Kain tayo" aya nito sakin at nagtataas baba pa ang kilay

Napailing ako at ngumisi "bilisan mo na at padating na si Elisse. Ihahatid kami sa bayan para manood ng pageant"

"Yes ma'am" sang-ayon nito at ginawa ang kape

Ito na ata ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay ko. Ni hindi ko malaman san papaling ang ulo habang ang isa ay nakatayo ng tuwid at di inaalis ang tingin sakin

Wow. Ang ganda pala chandelier namin sa shop.

Halos mabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang call bell at tawag ni Alex

"Pssst... Binibini oks na" panunuya nito

"Thanks, Alex. Una kana patayin ko lang ang ilaw at ikakandado yung pinto" sabay harap ko kay Rico na masama ang tingin sa likod ko

Inilapag ko sa harap nya ang kape at saka palang bumaba ang tingin nya sakin. He sighed before taking his cup and walked out of the store.

I sighed of relieved. Natapos din ang trabaho. Nauna nang umalis si Alex at hinahanap sya ni tita Carmen, may biglaang inutos kaya malungkot itong hindi makakasama sa bayan.

At kamalas malasan namang hindi ako masusundo ng Mang Andoy dahil sinundo nito ang kapatid ni Elisse. Tinawagan ako ni bakla at sinabeng magbbook sya ng grab

"I'll fetch you there. I'm sorry biglaan kasi friend"

"It's okay Elisse. Sayang ang pamasahe. Sasakay nalang ako ng jeep at magkita tayo sa parke"sagot ko habang kinakandado ang accordion door ng coffee shop. Alas sais kinse palang pero madilim na. May masasakyan padin naman ako kaya hindi na ako nangamba

"Promise? Please don't stood me up, Rein. You promised me na sasamahan moko. Hindi na kita susunduin ng grab but you need to be there" pangungulit nito

"Opo madam. Ikalma mo, 7PM pa ang start ng program aabot ako isang jeep lang ito" natatawa kong sabe at nasimula ng maglakad papunta sa sakayan ng mamataan ko ang bulto ng lalaki na nakapark sa gilid ng shop.

"U-ah Elisse ibababa ko na, paalis nako" hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Pero gusto ko nalang na umalis agad. "Hmmm okiess see you" ani Elisse at binaba ang tawag

Hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o ano. May iniintay ba siyang dumating?

"U-uh sir s-sorry closed na po kami today" hindi ko alam bakit ko sinabe yun. Feeling close, Rein?!

"Uhuh. I can see that" mapaglarong sabi nito at mariin na nakatitig sakin. His arms are crossed and flexing his biceps. He is leaning back on the bumper of his car. Hindi ko alam kung bakit naestatwa ako sa kinatatayuan ko

Lumakad sya sa passenger seat na katapat ko at binuksan ang pintuan, napakunot ang noo ko

"Get in."

Ano daw?!

"S-sir?"

He sighed. " Get in, Rein. Ihahatid kita sa bayan"

Love from afar (Montecarlo Heir #1)Where stories live. Discover now