3.4/11: It's Jake

1.6K 12 0
                                    

[NICOLE]

Kakaligo at kakabihis ko lang at kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay namin.

"Nandito na po 'yong gasul niyo, Ate Nela," rinig kong sabi ng lalaki sa labas.

Boses pa lang, I know who it is.

It's Jake...

Kinabahan ako bigla.

Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang makaharap ngayon.

Bubuksan ko ba ang pinto?

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya 'ko?

It's been a long time since we last saw each other.

Wala na akong masyadong balita sa kanya.

Nag-aalangan man, binuksan ko na lang ang pinto.

Tumambad si Jake-walang suot na pang-itaas at paiwasan.

Talagang 'yon ang napansin ko at hindi ang bitbit niyang gasul.

Napalunok ako ng laway.

Maganda kasi ang katawan ni Jake.

He has six-pack abs and huge biceps.

So it's awkward for me seeing him that naked.

Ang hot at ang gwapo niya tingnan.

Moreno, pinoy na pinoy ang itsura.

"N-Nicole..." gulat niyang sabi.

"Sige. Pakidala na lang 'yan sa kusina, Jake. At pakikabit na rin."

Jake is my childhood friend.

At oo na, sige na, aaminin ko na.

We had a past.

We were high school sweethearts.

Nagustuhan namin ang isa't isa.

Pero nagsimulang magbago ang lahat when we're about to go to college.

Dahil sa kahirapan, we both decided to stop studying for a mean time.

Nag-work siya.

Ako naman, I had to leave this place.

At sa pagbalik ko, na-realize ko, this is no longer the kind of life that I want.

I want more.

I want to dream bigger.

Since then, I stopped talking to him.

He always asking me kung anong naging problema, but I just kept on pushing him away.

Hindi ko rin naman kayang i-explain sa kanya ang side ko.

Hanggang sa napagod na rin siya at hindi na ako kinulit pa.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now