8.9/11: Ngiti Niya

1K 6 0
                                    

[NICOLE]

Isang abot-tengang ngiti ang pinakawalan niya paglapit niya sa 'kin. "Happy birthday!"

Natigilan ako.

Naalala niya ang birthday ko?

"Uh... Thanks."

"Saan ang punta mo?"

"Naghahanap ako ng meryenda. Kaso puro ubos na ang tinda ng mga tindahan dito, eh."

"Sakto. Nagluto ako sa bahay. Gusto mong pumunta?"

Pupunta ba 'ko?

Alam kong dapat kong iwasan si Jake.

I said it many times to myself already.

Kahit anong mangyari, kailangan kong lumayo sa kanya o itaboy siya.

Para sa 'min ding dalawa 'yon.

Pero kung uuwi ako sa bahay, maiinis lang ako dahil baka hindi pa rin tapos sila mama sa kababalaghang ginagawa nila.

Baka masira lang lalo ang araw ko.

Birthday ko pa naman.

"Sige... pero saglit lang ako, ah."

Nagliwanag bigla ang mukha ni Jake.

Napangiti siya na halos mawala na ang mga mata niya.

Ang gwapo niya kapag ngumingiti siya ng ganyan.

Well, 'yan naman talaga ang pinaka asset niya–ngiti niya.

Ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiting 'yan mula sa kanya.

"'Wag kang mag-isip ng kahit ano. Sasama lang ako sa 'yo ngayon dahil ayoko pang umuwi sa bahay. Dahil kay mama. Okay?"

"Okay. Naiintindihan ko naman, Nicole. Masaya lang talaga ako na makakasama na ulit kita ngayon."

"Stop it. You know how I hate dramas."

Alam ko, ang sungit ko.

But I have to.

"Okay, okay. Tara na?"

"Maglakad ka na. Susunod ako," I said.

Nagsimula na siyang maglakad.

Sumunod naman ako.

Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko.

Sana lang hindi ko pagsisihan ang gagawin kong 'to.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now