14.17/17: We're Done Here

585 3 0
                                    

[SABRINA]

Parang bahay ng daga 'to, eh.

Ang galing niyang umarte.

Kung makikita mo siya, para talaga siyang anak-mayaman kung paano siya magsalita at kumilos.

Pero ang totoo, mahirap lang pala talaga siya.

Napatingin ako sa wall.

Ang daming picture frames.

Karamihan ay mga pictures ni Nicole.

Ang pinaka malaki ay ang graduation picture niya ng highschool.

"Mara, nakapag-video ka ba ng maayos?" tanong ko.

"Of course," sabi ni Mara na kasalukuyan pa ring hawak ang phone at pasimpleng kumukuha ng video.

"Kuhaan mo 'tong mga pictures ni Nicole dito sa wall," sabi ko.

"Sure."

Itinutok ni Mara ang phone niya sa wall.

Kung nagtatanong kayo kung para saan 'to, well, these footages will serve as evidences if ever.

Dahil isusumbong ko si Nicole kay Kurt.

Pinagmamalaki niya na ginirlfriend na siya ni Kurt?

Pwes, it won't last long.

Dahil kapag nalaman ni Kurt ang tungkol dito, siguradong hihiwalayan siya ni Kurt.

Kilala ko si Kurt, hindi siya makikipagrelasyon sa isang mahirap.

Matapobre din 'yon, eh.

Siguradong mandidiri 'yon.

Worst, baka magalit pa ng todo si Kurt sa kanya at baka kung ano pa ang magawa sa kanya.

Nakakatakot pa naman magalit si Kurt.

Napangiti ako.

Nakikini-kinita ko na ang mga mangyayari.

"It's enough," sabi ko.

"What do you mean?" tanong ni Mara.

"You can turn off your camera now, Mara. We're done here."

"Finally!" sabi ni Clara at huminga ng maluwag.

"You mean, uuwi na tayo? Mabuti naman, sis. Pero paano 'yong nanay ni Nicole?" tanong ni Mara.

Napairap ako. "Who cares about that bitch? Let's go. I can't take this place anymore!"

Tumayo na 'ko at dire-diretsong lumabas ng bahay.

Sumunod naman agad sina Mara at Clara.

At mukhang hindi naman kami napansin ng nanay ni Nicole.

Nang makalabas na kami ng tuluyan, napangisi ako.

I can say na lahat ng pinagdaanan namin ngayong araw ay worth it.

Humanda ka na, Nicole.

Matatapos na ang maliligayang araw mo sa piling ni Kurt.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now