19.4/14: Second Chance

712 6 0
                                    

[NICOLE]

Nagyakapan kami.

Alam ko, naging isang kabit ako.

At alam naman natin na ang mga kabit ay parang peste sa buhay.

Na sumisira ng mga relasyon.

Pinagsisisihan ko na ang lahat ng 'yon.

Pero ganunpaman, hindi ko aasahan na mapapatawad agad ako ng lahat ng nagawan ko ng masama.

Dahil hindi ko alam kung gaano kasakit ang naidulot ko sa kanila. 

Masasabi ko rin na hindi ko deserve maging masaya na lang pagkatapos ng mga nagawa ko.

Pero hindi ko rin alam kung bakit sa kabila ng lahat, ganito pa rin ang nangyari sa 'kin.

Na parang sinwerte pa rin ako sa buhay.

Siguro dahil kay Jake.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, binigyan niya ng direksyon ang buhay ko.

At dahil sa kanya, gusto ko ng second chance sa buhay.

Gusto kong ituwid ang mga pagkakamali ko.

Kaya sana... sana may second chance pa para sa katulad ko na naging isang kabit.

"Sandali lang, Nicole," sabi ni Jake at kumalas sa yakap namin.

"Ano 'yon?"

"May klase pa pala ako."

"Ay. Oo nga pala. Ako rin pala. Haha."

"Haha. Pasok na muna tayo sa loob?"

"Sige."

Pumasok na kami ni Jake sa loob ng bahay.

Yes, nag-aaral na ulit kami.

Online.

Bumili kami ng tig-isang laptop para maayos kaming makapag-aral.

Sinabay namin sa pagpapagawa ng bakeshop.

Nag-decide kami na through online na lang muna mag-aral para matutukan namin ang bakeshop.

And yes, magkasama na kami sa bahay.

Pinahati ko ang bahay namin.

Ang kalahati ay kay mama.

At ang kalahati naman ay para sa 'min ni Jake.

Nakatira na kami ngayon sa iisang bubong pero hindi naman masasabi na live-in na kami.

Dahil sa magkaibang kwarto pa rin naman kami natutulog.

At kung itatanong niyo naman kung nasundan na ba 'yong nangyari sa 'min noon...

Hindi pa.


Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now