16.1/19: Heart To Heart Talk

513 4 0
                                    

A/N: hi! Please listen to the song 'Ang Hanap Ko' by Michelle Ayalde while reading this whole chapter (chapter 16 parts 1-19) para mas maramdaman niyo 'yong scene. The song will also be needed sa mga susunod na chapters hanggang sa ending. Thank you.

***

[JAKE]

Hindi ko alam kung paano nangyari pero heto kaming dalawa ngayon ni Nicole–magkatabi na nakahiga sa kama.

Nakapatay ang ilaw.

Pero bahagyang nakabukas ang bintana.

Tanging ang liwanag lang ng buwan galing sa labas ang nagsisilbing liwanag sa bahay.

Sa gitna naman namin ni Nicole ay may isang unan.

"Jake?"

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Gising pa rin pala siya.

"Hm?"

"Gising ka pa?"

"Oo. Ikaw, bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog, eh."

"Ako rin, eh."

"May naisip ako."

"Ano 'yon?"

"Since it's your birthday today, at hindi naman na tayo masyadong nagkaka-usap, at aalis na rin naman ako bukas, why don't we have a heart to heart talk?"

Heart to heart talk?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Just like before. When you admitted your feelings to me. Magsabihan ulit tayo ng saloobin natin sa isa't isa."

Natigilan ako saglit.

"Parang ayaw ko."

"Ha? Bakit naman?"

"Parang nakaka-trauma naman kasi 'yon. No'ng umamin ako ng nararamdaman ko para sa 'yo, 'yon din ang simula na lumayo ka na sa 'kin. Ayoko nang alalahanin 'yon."

Humiga siya ng patagilid para humarap sa 'kin.

"Sorry..."

Humiga din ako ng patagilid para tingnan siya.

Pero nagulat ako nang makitang may tumutulo nang luha sa mga mata niya.

Napabangon ako.

"Bakit ka umiiyak?"

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now