19.13/14: ⚠️ Mahal Pa Rin Kita

1.6K 4 0
                                    

[NICOLE]

"Pwede na. Pero..." 

"Pero?" 

"Paano 'yong pangarap mo?" 

"Na? Yumaman? Hindi siguro pangarap 'yon. Kaambisyosahan na 'yon. Masyado akong naging ambisyosa. That's the truth. Isa 'yon sa pinaka maling nagawa ko sa buhay ko. Kung gusto ko talagang guminhawa sa buhay, dapat gawin ko 'yon sa tamang paraan. At 'wag iasa sa ibang tao. I was so desperate. To the point that I don't really care anymore kahit makasira pa 'ko ng relasyon ng iba."

"At simula ngayon, 'wag mo nang isipin 'yon. Past mo na 'yon. At kahit gaano man kapangit ang past na 'yon, tanggap pa rin kita. Mahal pa rin kita."

Nagsimulang mangilid ang luha ko. "Pero... may tanong din ako, Jake."

"Sige. Ano 'yon?"

"I was so selfish. I left you. Pero sa kabila ng nagawa ko sa 'yo, bakit pinatawad mo pa rin ako?" 

Huminga ng malalim si Jake. "Kasi kahit iba na ang ayos mo, ang tindig mo, ang pananalita mo, nakikita ko pa rin sa 'yo 'yong dating Nicole. 'Yong Nicole na girl best friend ko. 'Yong Nicole na minahal ko. Naalala mo pa ba dati no'ng mag-isa ka lang sa birthday mo at ako lang ang inaasahan mong pupunta? Pero hindi ako nakapunta kasi mas pinilit kong sumama sa mga barkada ko? Humingi ako sa 'yo ng sorry no'n at pinatawad mo 'ko. Pinatawad ako ng dating Nicole na 'yon. Kaya ngayon na siya naman ang humihingi ng tawad, bakit naman hindi ko 'yon ibibigay sa kanya?"  

Tumulo ng tuluyan ang mga luha ko. "Thank you so much, Jake."

"Basta, Nicole, lagi mong tatandaan, nandito lang ako palagi para sa 'yo. Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Nang magkasama. Tulad ng pangako natin sa isa't isa no'ng mga high school student pa lang tayo."

"Oo, Jake. And I'm sorry. I'm sorry for breaking that promise."

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon