11.4/13: It's 3 On 1

945 6 0
                                    

[NICOLE]

"There, finally, she shut her mouth up. Hahaha," sabi ni Mara.

"Marunong ka pa lang makinig, eh. Sana nakinig ka agad. Para hindi ka na nasaktan. Pero kunsabagay, makinig ka man o hindi, masasaktan at masasaktan ka talaga ngayon," sabi naman ni Clara.

"Hahaha," sabay-sabay na tawa nilang tatlo.

Okay.

Wala akong laban sa kanila.

It's 3 on 1.

Kung magmamaldita lang ako, mas masasaktan lang ako.

Kailangan kong umisip ng ibang paraan para makatakas.

"Nabalitaan namin ang nangyaring confrontation sa hotel," sabi ni Sabrina. "Finally, nalaman na ni Lilian na may kabit si Kurt. At nahuli niya pa sa akto. Swerte siya sa part na 'yon actually. You know, hindi lahat ng original na jowa, nahuhuli ang mga kabit ng boyfriend nila. Haha."

"I agree," sabat ni Mara.

"'Yong iba nahuli nila, pero tinanggap pa rin nila ang mga boyfriend nila. Haha," sabat din ni Clara.

"At nabalitaan ko rin," pagpapatuloy ni Sabrina habang nagpapalakad-lakad. "Kung paano ka pinahiya ni Lilian - sinabunutan at sinampal ka niya sa harap ng maraming tao. How does it feel bitch? Masarap? Of course nasarapan ka. Ang mga katulad mong kabit, natutuwa pa sa ganyan."

"'Wag kang magsalita na parang malinis kang tao, Sabrina," sabi ko.

"At least hindi ako kabit."

"Kumakabit ka rin naman kay Kurt. Sadyang hindi ka lang talaga niya pinipili. Haha," sabi ko sabay tawa.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now