10.3/5: It Takes Two To Tango

935 5 0
                                    

[NICOLE]

Nakailang text messages na 'ko kay Kurt pero wala pa rin siyang reply.

Nakailang missed calls na rin ako sa kanya pero hindi niya sinasagot.

Parang blinock niya pa nga ang number ko.

Since all of my calls are getting cancelled automatically.

I'm so worried about him.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko sa apartment habang tulala na iniisip ang nangyari.

After the incident in the hotel, walang sabi-sabi na iniwan ako ni Kurt.

Nang umalis si Lilian, umalis din siya agad para sundan si Lilian.

Naiwan ako sa hotel na salo-salo ang lahat ng kahihiyan sa nangyari.

Hinusgahan ako ng lahat ng tao na nando'n.

I was so devastated that time.

Nasa 'kin ang lahat ng husga at kutya ng mga tao.

Pero bakit sa 'kin lang?

It's unfair.

Kasama ko si Kurt dito.

Sa cheating na 'to.

It takes two to tango, right?

Pero kunsabagay... ako ang kabit.

At ganito naman talaga ang nangyayari sa mga kabit pagkatapos magkahulihan — kami ang pinaka hinuhusgahan at kinukutya.

Gusto kong umangal.

Pero mali naman talaga ako.

Kabit ako, eh.

Mali ako kahit saang anggulo tingnan.

But...

Uh.

Whatever.

I don't wanna think about it anymore.

Mas nag-aalala ako kay Kurt.

Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Nakausap niya ba si Lilian?

Nag-away ba sila?

Hiwalay na ba sila?

Kinakabahan ako.

May part sa 'kin na natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Kurt kapag nagkausap na kami.

Especially if Lilian and him really broke up.

What if ako ang sisihin niya sa nangyari?

At sa 'kin niya ibunton ang lahat ng galit niya?

I'm scared.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now