17.5/8: Never Ever Come Back

776 4 6
                                    

[NICOLE]

Ang lakas.

Nagulat si Sabrina at ang mga kaibigan niya.

"How dare you!" galit na sabi ni Sabrina at akmang susugurin si Lilian para gumanti pero humarang si Kurt.

"Never ever touch my girlfriend, Sabrina. Kundi malalagot ka sa 'kin," sabi ni Kurt.

Girlfriend? 

So...

Nagkabalikan na silang dalawa?

Agad? 

Paano ako? 

Akala ko ba ako na ang girlfriend?

Ang bilis ng mga pangyayari.

Parang kahapon lang everything was in favor of me.

Tapos pag-uwi ko, in a blink of an eye, wala na lahat.

"At ikaw naman," sabi ni Lilian sabay baling sa 'kin. "Wala kang kadala-dala. Tumayo ka diyan!"

Lumapit siya sa 'kin at hinila ako sa buhok para tumayo.

Nang makatayo ay halos matumba ulit ako nang sampalin niya 'ko.

Ang lakas.

"Malandi ka! Kabit! Naninira ng relasyon! Maduming babae!" sigaw niya sa mukha ko.

Wala akong nagawa kundi yumuko.

"Kami na ulit ni Kurt. Kaya wala na kayo. Binabawi ko na ang akin. And starting today, I want you to be completely out of our lives! Do you understand?!"

Hindi ako sumagot.

"Sagot!" sigaw niya.

Tumango-tango ako.

"Mabait pa 'ko kung tutuusin, Nicole. Kasi kung ibang babae 'to? Baka napatay ka pa. But don't worry, I won't do that. Hindi ko babahiran ng dumi ang mga kamay ko para lang sa 'yo. Kaya magpasalamat ka dahil hahayaan na lang kita na umalis ng tahimik sa buhay namin. But remember this: never ever come back. Dahil kapag ginawa mo 'yon? Baka mapatay na talaga kita. Do you understand?!"

Tumango-tango ako.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now