15.10/12: Happiest Birthday

484 6 0
                                    

[JAKE]

Ngayon, masasabi kong kumpleto na ang birthday ko.

"'Wag ka nang tumingala diyan. Mangangawit lang ang leeg mo," sabi bigla ni Nicole.

"Eh ayaw mong panoorin kitang kumain, eh."

"Okay na. Sige na. 'Wag ka nang tumingala diyan."

Tumingin na 'ko sa kanya.

Iginalaw-galaw ko ang ulo ko. "Medyo sumakit nga ang leeg ko. Ikaw kasi, eh. Haha."

"Sorry."

"Biro lang. Kumain ka na diyan."

Nagpatuloy siya sa pagkain.

Pinanood ko lang siya.

Ang ganda niya.

Lalo na ngayon na simple lang ang ayos niya.

Kanina nang makita ko siya, ang ganda ng suot niya.

Bagay sa kanya.

At talagang ang ganda niya.

Sinabi ko pa na iba ang ganda niya kanina.

Pero na-realize ko ngayon na mas maganda pala siya na simple lang.

Kanina kasi, parang ibang Nicole ang nakita ko.

Ngayon, ito 'yong Nicole na naging girl bestfriend ko.

'Yong Nicole na... nagustuhan ko... na minahal ko.

Mayamaya,

"Uh... Jake?" tawag ni Nicole.

"Hm?"

"Happy birthday nga pala."

Napangiti ako. "Thank you."

"Kamusta naman ang birthday mo?"

"Ah... masasabi ko na ito na ang pinaka masayang birthday ko sa buhay ko."

"Bakit naman?"

"Well, bukod sa ito ang first time na nakapaghanda ako sa birthday ko, ito rin ang first time na nakapag-invite ako ng barkada sa birthday ko. Pumunta silang lahat dito kanina. Sobrang saya nga, eh. Ang iingay nila. At syempre, mas lalong naging kumpleto ang birthday ko dahil pumunta ka. Kaya... salamat."

Ngumiti ako.

Parang wala nang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon.

Wala man akong natanggap na regalo ngayon para sa birthday ko, masayang-masaya pa rin ako dahil para sa 'kin, ang pagpunta ni Nicole dito ay higit pa sa kahit anong materyal na regalo na pwede kong matanggap.

Masasabi ko na ito na ang happiest birthday ko.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now