6.3/5: Leave

1K 10 0
                                    

[NICOLE]

Tama.

'Yon ang dapat kong gawin.

Naglakad na ako para hanapin ang exit ng store.

Hindi ko makita!

Nakakainis!

Nang sa wakas ay makita ko na, diretso akong naglakad papunta sa pinto.

I was about to pass the glass door nang,

"There she is!" rinig kong sabi ng isang babae.

Kung hindi ako nagkakamali, it's Lilian's voice!

And wait, ako ba ang tinutukoy niya?

I really need to leave this store as soon as possible.

"Nicole! Wait!" rinig kong tawag ni Lilian.

Ako nga ang tinatawag niya!

Wala sana akong balak lumingon pero nakalapit at nahawakan na ni Lilian ang braso ko.

I look at her.

At pagtingin ko, parang gusto ko na lang lamunin ng lupa nang makita ko rin si Kurt sa likod niya!

Kurt is also here!

What the hell!

At nakatingin siya sa akin ngayon ng masama!

"Hi!" Nakangiting bati sa 'kin si Lilian.

"H-Hello."

"Your name is Nicole, right?"

"Uh... Y-Yeah."

"I'm Lilian. Well, I just want to say thank you for helping me sa pagpili ng mga bibilhin ko kanina. I forgot to thank you kasi, eh."

"Uh... Y-You're welcome."

I look at Kurt.

Nakatiim-bagang siya ngayon.

Matalim pa rin ang tingin niya sa 'kin.

Parang pinapatay niya na 'ko sa isip niya.

"Babe, siya 'yong tinutukoy ko na tumulong sa akin kanina sa pagpili ng mga dresses and bags na binili ko," sabi ni Lilian.

"Okay, babe," sagot ni Kurt. "But, excuse me, I need to make a phone call. Give me a minute."

"Oh. Okay, babe."

Lumayo si Kurt sa 'min.

May pinindot-pindot siya sa phone niya.

"Anyway, Nicole, pauwi ka na ba?" tanong ni Lilian.

"Uh, yeah, pauwi na ako. Actually, nagmamadali na ako."

"Oh... Really? Sayang naman. Yayayain pa naman sana kita sa Gucci store, eh. If you want, I can buy you a dress there."

Bigla kong naramdaman sa bag ko na nag-vibrate ang phone ko.

Isang contact lang ang nilagyan ko ng vibration for text and call notification.

Si Kurt.

So I'm sure it was him who texted me.

Dali-dali kong kinuha sa bag ko ang phone ko at binasa ang text.

From: Kurt
Message: Leave.

Text lang ang binasa ko pero parang kinilabutan ako.

"Sorry, Lilian. I really need to go. Kaka-text lang ng mom ko. Pinapauwi na 'ko. May emergency sa 'min."

"Gano'n ba? Sige pala. Ingat ka. And thank you ulit."

"Sige."

Isang pekeng ngiti ang pinilit kong ibigay at agad na naglakad palabas ng Chanel store.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon