19.8/14: Mahal Ko Nga Siya, Eh

684 4 0
                                    

[NICOLE]

Tumingin ako sa bintana.

Madilim na.

"Gabi na," sabi ko.

Umupo ako sa kama ko dito sa kwarto ko.

Kinakabahan ako.

Hindi ko pa rin alam kung paano mangyayari ang pag-uusap namin ni Jake mamaya.

Inaamin ko, hindi pa ako masyadong handa.

Hindi dahil hindi ko gusto si Jake.

Gusto ko si Jake.

Mahal ko nga siya, eh.

Pero marami pa rin kasi akong mga agam-agam.

Una, pakiramdam ko, hindi ako deserve ni Jake.

Mabuting tao si Jake.

Habang ako, sidechick noon.

Na nanira ng relasyon.

Hindi ko alam kung karapatdapat ba 'ko sa pagmamahal ni Jake.

Pangalawa, hindi ko kasi alam kung tapos na ba talaga lahat sa nakaraan ko.

I mean, sa nakalipas na dalawang buwan, wala akong naging balita kay Kurt.

Hindi rin naman ako gumawa ng paraan to know what happened to him after.

Natatakot kasi ako sa mga pwede kong makita.

But I think, if I really want to move forward, dapat ay maluwag na rin sa puso ko ang mga nangyari sa nakaraan.

Dapat kong tuldukan na ang nakaraan.

Pero paano ko gagawin 'yon? 

Siguro... kung makikita ko na nasa maayos na kalagayan na sina Kurt at Lilian, mapapanatag na 'ko.

And to do that, I think all I have to do is to stalk them in social media.

Kinuha ko ang phone ko.

Pumunta ako sa Facebook.

I searched for Kurt's Facebook account.

Hindi na kami friends.

Pero naka-public ang mga post niya.

Tiningnan ko ang latest post niya.

Napangiti ako.

Picture nilang dalawa ni Lilian na kumakain sa isang restaurant.

Mukha naman silang masaya.

I mean, they look genuinely happy.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon