5.2/6: Stop The Elevator!

1.2K 10 0
                                    

[NICOLE]

Agad na naglakad na 'ko palabas ng room.

Miss Bulalakaw is a terror professor here in Carnation University.

She's always mad for no reason.

Well, maybe because she's an old maiden.

At kung bakit walang lalaki na nagkakagusto sa kanya o walang nagtatagal sa kanya, hindi na nakakapagtaka.

Parang araw-araw siyang galit sa mundo, eh.

Himala nga na nagsabi siya kahapon na pwede pang humabol magpasa ng Business Plan.

At buti na lang nakahabol ako gumawa kagabi.

At least alam niyong hindi lang puro landi ang ginagawa ko dito sa school.

Kahit papaano, kahit hindi seryoso, nag-aaral pa rin naman ako.

I don't care about getting high grades anyway.

I'm fine with 3.0 as long as I passed it.

Sumakay na 'ko ng elevator at pinindot ang ground floor.

Wala na 'kong klase ngayon kaya uuwi na 'ko.

Bago makarating ang elevator sa ground floor, huminto at bumukas muna ito sa 3rd floor.

May isang pumasok.

"Wait!" sigaw ng kung sino.

Napatingin ako sa sumigaw at nakita ang tatlong babae na nagmamadaling naglalakad papunta sa 'min para mahabol ang elevator.

Nanlaki ang mga mata ko.

It's Sabrina and her friends!

Dali-daling pinagpipindot ko ang close button para sumara na ang elevator.

"Hey! Bitch! Stop the elevator!" sigaw ni Sabrina.

Pero buti na lang ay tuluyan nang nagsara ang elevator at hindi sila umabot.

Nakahinga ako ng maluwag.

Muntik na 'ko do'n.

Nawala sa isip ko na kailangan ko na palang umiwas kina Sabrina from now on.

This will be hard for sure.

Nasa iisang university lang kami, eh.

Hindi malayong magkita talaga kami.

Baka kailangan ko nang maghagdan araw-araw mula ngayon.

Huminto at bumukas ang elevator sa ground floor.

Lumabas ako at luminga-linga sa magkabilang gilid.

Wala naman sina Sabrina.

Mabuti na lang.

Naglakad na ako sa lobby area ng school papunta sa exit.

Nang bigla,

"There she is!" sigaw ng isang babae.

Lumingon ako at nakita sina Sabrina at ang mga alipores niya sa nagmamadaling bumababa ng hagdan.

Puta, hinabol pa pala talaga nila 'ko!

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon