15.6/12: Pumunta Siya!

523 4 0
                                    

[JAKE]

Saktong kakatapos ko lang maghugas ng pinggan sa lababo nang makarinig ako ng ingay mula sa labas.

Ano 'yon?

Pumunta ako sa pinto ng bahay.

Isang aso na may tangay-tangay na plastic na may laman na kung ano ang dumaan sa harap ng bahay namin.

Lumusot ito sa gate namin at dumiretso sa katabi naming bahay.

Aso 'yon ng kapitbahay namin.

Anong nangyayari?

Napatingin ako sa harap ng bahay namin.

Isang babae ang nakatayo.

Medyo madilim kaya hindi ko masyadong maaaninag ang mukha niya.

Pero sa hugis ng katawan niya pa lang, parang alam ko na kung sino siya.

"Nicole?" tanong ko.

Hindi sumagot ang babae.

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya.

At nakita ko na si Nicole nga!

"Nicole! Ikaw nga!" sabi ko.

Napangiti ako ng abot hanggang tenga.

Parang lumundag ang puso ko sa tuwa.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Pumunta siya...

Pumunta siya!

Lumapit ako sa kanya.

"Nicole."

"Uh... hi?"

"Tara sa loob. Malamok dito."

"Pero..."

"Pero ano?"

"Hindi talaga dapat ako pupunta, eh."

"Ha?"

"Nagpa-ihaw kasi ako ng isaw. Tapos kinuha ng aso. Itinakbo. Hinabol ko naman. Kaya ako nakarating dito."

Napaisip ako.

Kaya pala may dala-dalang plastic 'yong aso ng kapitbahay namin.

Pero medyo nasaktan ako na hindi pala talaga siya dapat pupunta dito.

Pero ngumiti pa rin ako.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now