6.4/5: Completely Unaware

1K 7 0
                                    

[KURT]

"See you tomorrow, babe. I love you," sabi ni Lilian sabay halik sa labi ko bago bumaba sa BMW sports car ko.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila sa loob ng isang exclusive subdivision.

Hinatid ko siya pagkatapos ng pag-shopping namin kanina.

Actually, we're still not supposed to go home this early.

Pero nawala na 'ko sa mood kaya pagkatapos namin sa Chanel, nag-decide akong umuwi na lang kami ng maaga.

"I love you, too," sagot ko at pinilit kong ngumiti.

Isinara niya na ang pinto ng kotse ko at naglakad na palapit sa gate ng bahay nila.

Hinintay ko lang siyang makapasok at saka ako napatiim-bagang sa inis dahil sa nangyari kanina.

I immediately grabbed my phone and called Nicole's number.

It rings, pero hindi niya sinasagot.

Ginagalit talaga ako lalo ng babaeng 'yon!

"The number you have dialed is either unattended ot out of coverage area—"

I angrily went to the message app and angrily typed my message to her.

To: Nicole
Message: Answer it. Now.

I dialed her number again.

And in an instant, she answered it.

"Bakit hindi mo sinasagot kanina?!" sigaw ko.

"S-Sorry, Kurt. Natatakot kasi ako..." sagot niya, nanginginig ang boses niya.

"Talagang dapat matakot ka! You did something wrong!"

"Kurt, believe me, it was an accident..."

"Accident?! Nagkita at nag-usap kayo ni Lilian, accident?! You even helped her shopping, Nicole!"

"Let me explain, Kurt—"

"Ano pang ipapaliwanag mo do'n, Nicole?!"

"Please, Kurt, let me explain..." sabi niya habang humihikbi na. "I was completely unaware that you and Lilian were there in Chanel store. Pumunta ako do'n kasi sabi mo 'di ba gusto mong bumili ako ng mga bagong gamit?"

"Pero bakit nakipag-usap ka pa sa kanya at sinamahan mag-shopping?!"

"She noticed me because of the necklace," sabi niya. "I tried to immediately walk away but I can't get a chance to do it because she was being friendly to me. Mas magmumukha naman akong suspicious if I will just ignore her."

"'Yon ang dapat mong ginawa!"

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora