14.1/17: Alone Time

736 3 0
                                    

[NICOLE]

Nakasakay ako ngayon sa Grab papunta ng Parañaque.

Kurt told me that he needs some alone time.

At alam ko naman na sa alone time na tinutukoy niya, iisipin niya lang ng iisipin si Lilian.

For sure.

But it's okay.

I understand him.

Hindi naman kasi talaga madali mag-move on sa isang bagay.

Lalo na sa isang tao na minahal mo.

Pero ang mahalaga, papunta na rin naman siya do'n.

Makaka-move on din siya kay Lilian.

And I will do everything to help him in order to do that.

But for now, tiis-tiis muna ako sa cold na pakikitungo niya sa 'kin.

Ang importante, he's mine now.

Plus, nakahuthot naman ako ng pera sa kanya.

300 thousand.

Kaya nga uuwi muna ako sa 'min ngayon.

Maybe I need some alone time too.

Actually, may mga plano na dapat akong bilhin kapag nakakuha ulit ako ng pera kay Kurt.

But I don't have to think about it anymore dahil kahapon, pinag-shopping niya na 'ko.

Of course, I went straight to the Louis Vuitton, Dior and Chanel stores.

My top 3 favorite luxury brands.

While shopping, pili lang ako ng pili at dampot lang ako ng dampot.

More than 1 million pesos ang total price ng lahat ng napamili ko.

Wala namang pakialam si Kurt.

Hinayaan niya lang ako.

Walang pakialam na binigay niya lang sa 'kin ang ATM card niya para bayaran ang lahat ng pinamili ko.

And at that very moment, I feel like I'm the luckiest bitch in the world.

Finally, may mga signature bags na 'ko na authentic.

Pero bago kami umalis hanggang sa pag-uwi, most of the time ay tulala pa rin si Kurt.

And I know that it's because of Lilian.

Pero ayos na rin siguro 'yon.

Kasi dahil do'n, parang wala sa sarili si Kurt na payag lang ng payag sa lahat ng gusto ko.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now