16.6/19: Mahal Din Kita

737 8 0
                                    

[JAKE]

"Hindi totoo 'yan..."

"Totoo 'yon, Jake. Malandi ako. Kabit ako. Madumi akong babae–"

Napailing-iling ako. "Hindi! Hindi totoo 'yan!"

Hinawakan niya ako sa pisngi para iharap sa kanya. "Gusto mo ba patunayan ko?"

Napakunot-noo ako. "Anong... ibig mong sabihin?"

Nagulat ako nang bigla niya akong siniil ng halik.

Napapikit ako.

Ito ang first kiss ko.

Ito ang halik na matagal ko nang inaasam.

Halik na galing sa babaeng mahal ko... galing kay Nicole.

Parang hindi ako makapaniwala.

Bumitaw siya sa paghalik sa 'kin.

Idinilat ko ang mga mata ko.

Tinitigan niya 'ko sa mga mata ko.

"May isa pa akong aaminin, Jake."

"A-Ano 'yon?"

"Mahal din kita."

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

Parang musika ang hatid sa tenga ko ng sinabi ni Nicole.

'Yon ang mga salita na matagal ko nang gustong marinig sa kanya.

"T-Totoo ba 'yan?"

"Yes. I tried so hard to deny it to myself. Pero kapag nakikita kita, alam ko sa sarili ko na mahal din kita. Pero alam ko rin sa sarili ko na walang patutunguhan ang pagmamahalan natin kung sakali. Kaya pinili ko na lang talagang lumayo."

"Bakit ba sinasabi mo na walang patutunguhan 'yon? Dahil ba hindi ko mabibigay ang mga kailangan mo?"

Hindi siya sumagot.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now