15.3/12: Ano Bang Klaseng Sign

518 4 0
                                    

[NICOLE]

Kaya ipapaubaya ko na lang ang lahat sa isang sign.

Luminga-linga ako sa paligid.

Mga tinadahan at mga taong paroo't parito ang tumambad sa 'kin.

Ano bang klaseng sign ang inaantay ko?

Parang ang hirap naman mag-antay ng isang bagay na ni hindi mo ma-picture out sa isip mo kung ano.

Literal ba na salitang yes ang inaantay ko?

Oh, wait.

Pwede.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid.

Naghanap ako ng salitang yes sa mga pangalan ng tindahan na nandito pero wala akong makita.

Hay...

Mukha akong tanga ngayon sa ginagawa ko.

Ganito na lang, kapag naluto na ng tuluyan ang mga ipinaihaw ko, at nakapagbayad na 'ko, pero wala pa ring nangyayari, it's the sign.

Hindi na talaga ako dapat pumunta kina Jake.

At dapat na 'kong umuwi.

Tumingin ako sa mga isaw na niluluto ni kuya sa barbeque grill.

Malapit na talaga itong maluto.

Parang gusto ko tuloy alisin ang mga baga na nando'n.

"Luto na 'to," sabi bigla ni kuya.

Nabigla ako.

Kinuha ni kuya ang sampung pirasong isaw mula sa barbeque grill at inilipat ang mga 'to sa isang food container sa katabing mesa.

Luminga-linga ako sa paligid.

Wala ba talagang mangyayaring kakaiba?

"Anong gusto mong suka, miss? 'Yong plain lang o 'yong maanghang?" tanong ni kuya.

"Uh... 'yong maanghang po," sagot ko.

Yes, I'm His Bitch (Sidechick Series #1) [Completed] | SPG | R18Where stories live. Discover now